"Hello Alex?! Are you still with me?"
Napakurap kurap ako at hindi pinansin si Myra. Pasimple ko pang inilibot ang aking tingin sa paligid. Awtomatikong huminto ang mga mata ko kay Charm. God give me the strength to let her go. Panay ang ngiti at tawa nya sa taong kaharap at kausap nila ni Jin.
Ilang segundo lang ang lumipas, naramdaman nya siguro na may nagmamasid sa kanya kaya inilibot din niya ang kanyang tingin. Sinalubong ko ang kanyang mga mata na para bang may kulang na emosyon. Is she really happy? Bigla tuloy nag balik sa akin ang lahat.
"Gusto mo ako? Bakit? Kilala mo na ba ako?" Muntik na akong madala sa taglay nyang ganda. Mabuti na lang at saglit lang naglapat ang aming mga labi at agad akong natauhan.
"Oo gusto kita. Gusto na kita noong unang beses pa lang kitang nakilala. Bakit? Ang daming dahilan. Ang hirap isa-isahin. Kilala na ba kita? Siguro nga hindi ko pa kilala ang lahat sa'yo, pero gusto pa kitang makilala, Alexa."
Napailing-iling ako at napapalatak. Pinagmasadan ko pa siya mula ulo hanggang paa. Oo maganda siya. Wala kang maipipintas. Pero masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili na tila ba siguradong sigurado siyang makukuha nya ako. "Wala akong panahon sa mga experiments mo. Kung gusto mong mag explore, nagkamali ka ng taong pinili." Tinalikuran ko siya at nagsimulang humakbang palayo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may mga babaeng masyadong curious sa mga gaya kong lesbian. Magpapa-fall tapos hindi naman paninindigan. Hindi ba sila aware na may damdamin din kami at marunong din kaming masaktan.
"Alam kong mahirap paniwalaan, pero papatunayan ko sa'yo na mali ang iniisip mo sa akin."
Napatigil ako sa paghakbang at muli siyang nilingon. Is she really serious? Nagsalubong ang aking kilay. "Go home and ask your mother if she's okay with you being gay." Napapalatak ako at napailing-iling. Mga babae talaga! Muli ko na siyang tinalikuran at nagsimulang maglakad.
"Alexa!"
I sighed in frustration and turned around. "Goodness sake! Alex! Just Alex!" Dinaig pa niya si Mommy sa paraan ng pag tawag nya sa akin.
Nginitian nya lang ako at hindi pinansin ang aking sinabi. "One day, you'll love me and you will never want to break up with me!"
Hindi na niya ako hinayaan pang makasagot pa. Matapos niyang mag flying kiss, mabilis niya na akong tinalikuran at naglakad palayo sa akin.
I was stunned. Napatitig ako sa bulaklak na ibinigay nya. Muli akong napailing at napangiti saka sinundan ng tingin ang babae na ngayon ay unti-unti ng lumiliit sa aking paningin. Is she for real?
"Alex?!"
"What?" Binalingan ko si Myra na mukhang iritable na.
"Anong what?! Ang sabi ko kanina ka pang tinatawag nung babaeng naka black dress. Do you know her?!" Magkasalubong na ang kanyang kilay saka sinundan ng tingin ang babaeng tinutukoy nya. Napakunot noo ako. Now where did I see her?
"Hi Alex! How's life?" Ang lapad ng pagkakangiti niya nang makalapit siya sa amin ni Myra. Hindi ko pa napaghandaan ang ginawa niyang paghalik sa aking pisngi. Binalingan naman nya ang kaibigan ko. "Kamusta?"
I scratched my temple. I gave Myra a glance that's telling her that I don't remember the lady in front of us. "I was wondering when did we meet?" I made it sound so casual and not so offending.
Bigla namang nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Am I that easily to forget Alex?" Malamyos niyang sabi saka pinaglandas ang mga daliri niya sa braso ko.
"Eherm.." Napatikhim si Myra at base sa nakikita kong reaksyon ng mukha niya hindi niya gusto ang babaeng kaharap namin ngayon. "Kahit ako, I don't know you." Nakataas ang kilay niya at pasimple akong hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya. Marahan pa nya akong pinisil.
"Ooh sorry. Where are my manners. I'm Genevive." She extend her right hand. "Actually we've never met." She was looking particularly to Myra. "Pero si Alex.." Sinadya pa niyang binitin ang kanyang sinasabi at makahulugang ngumiti sa akin. "Once pa lang kaming nagkita, but it was so memorable."
Pakiramdam ko lalong dumami ang gatla sa aking noo dahil sa sinabi niya. Yes she looks familiar but I can't really remember kung saan ba kami nagkita. "I guess nagkita na nga tayo. But to be honest I really can't remember.."
Lalo namang tumamlay ang mukha ng babae. Hinawakan niyang muli ang braso ko. "Ang harsh naman. Hindi mo man lang ako natatandaan. You want me to tell you how we've met?" Makahulugan nyang tanong.
"You know what Alex, tinatawag tayo nina Chai. Mag hi ka naman. Nagtatampo na sa'yo iyong bata kasi hindi mo raw siya pinansin kanina." Singit ni Myra. Binalingan niyang muli si Genevive. "Excuse us ha? But I don't think that now is the right time for you to tell how you and Alex met." Tiningnan niya ako na nakataas ang kilay. "Let's go Alex." Ni hindi na niya ako pinagsalita. Basta na lang niya ako hinila papunta sa pwesto nila Chai.
"See you, Genevive." 'Yon na lang ang tangi kong nasabi at kinawayan siya. Tuluyan na akong nagpagiya kay Myra.
"My goodness Alex! Don't tell me you had a one night stand with that lady?! Nakakadiri ka!"
I looked at her in disbelief. "You know what, Myra, I admit na madami akong kalokohan. Pero hindi naman lahat pinatulan ko!" Napapalatak pa ako. Pinagsisisihan ko naman na lahat ng nagawa kong mali noon lalong lalo na iyong mga bagay na nakasakit kay Charm, dahil hanggang ngayon nagsa-suffer pa rin naman ako sa mga consequences. "Kaya nga sabi ko sa'yo hindi ko siya maalala. Kasi kung may nangyari man sa amin, hindi naman ako ganon kaloko para makalimot ng ganon ganon na lang!"
"Whatever Alex!"
Sinundan ko lang siya ng tingin nang mauna na siyang maglakad patungo sa table nila Chai. Napailing-iling na lang ako at muling sinulyapan si Genivive. Nakangiti siya nang makahulugan sa akin. Somehow I'm sure I've seen her somewhere.
Nang makarating ako sa table nila Chai mabilis kong inabot ang kamay ni Nanay Carmela. "Mano po 'Nay."
"Bless you Anak." Mahinahon nitong sabi saka tipid na ngumiti. Umupo ako sa tabi ni Chai at masuyo siyang hinalikan sa pisngi. "Lalo kang gumaganda Chai ah!"
"Mas maganda pa kay Ate?" She teased.
Natawa ako at nagkunwaring nag-iisip. "Konting effort pa Chai. So far mas maganda pa rin si Ate mo sa'yo."
She rolled her eyes. "Si Ate Charm lang naman ang maganda sa paningin mo eh!" Nakaingos niyang sabi.
Nagkibit balikat ako at ngumiti. Muli kong binalingan si Nanay Carmela. "Kamusta naman kayo 'Nay? Parang pumapayat kayo ah?"
"Oo nga po, Tita. Akala ko ako lang ang nakakapansin." Singit naman ni Myra na bakas din sa mukha ang pag-aalala.
"Alam nyo naman ang tumatanda. Ganito ata talaga." Natatawang sabi nito. "Kayong dalawa, masyado ba kayong abala at wala na kayong panahon para bumisita sa bahay?"
She looked particularly to me. Mababakas din sa boses nya ang pagtatampo. Nang balingan ko naman si Chai umakto pa siya na nagsasabing 'lagot ka ngayon'. I smiled awkwardly and glanced at Myra who just shrugs. "I hope one of these days 'Nay makadalaw ulit ako sa inyo." Napapakamot pa ako sa aking ulo dahil sa hiya.
Makahulugan niya akong pinagmasdan. "Alex, Anak.. Kung anuman ang nangyari sa pagitan nyo ni Charm, sana palagi mong tandaan na hindi na iba ang turing ko sa'yo."
Parang gusto na namang mag-unahan ng luha ko sa pagpatak. This is one of the hardest thing to accept since me and Charm got separated. Kinailangan ko ring dumistansya sa mga taong malapit kay Charm na sobra na ring naattached sa akin. It was like a part of me has been taken away since then. Doble iyong sakit sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko sila Chai at Nanay Carmela. Hindi ko naman gustong umiwas pero isa iyon sa mga dapat kong gawin.
"Ma'am Alex, may bisita po kayo."
Kasalukuyan akong nakatingin sa baba ng aking bar. Unti-unti nang dumadami ang tao. Papagabi na rin kasi. Bagamat hindi naman pakinig ang tugtog sa loob ng aking opisina dahil sa sound proof ito, nasisigurado kong nakakagiling ang nakaplay na music base sa nakikita kong pagsasayaw ng crowd. Nilingon ko ang head waitress ko na si Nimfa habang nakakunot ang aking noo. "Sino?"
Bigla namang sumulpot sa likuran niya si Jin. "Hi Alex. I hope you don't mind my presence." She had that awkward smile. She's wearing a light blue long sleeves na nakatuck in sa black slacks nya. Tinuwangan pa niya ito ng black shoes. Obviously galing siya sa trabaho.
"Of course I don't mind at all. Please come in. Do you want something to drink?" Iminuwestra ko ang aking centre table saka pasimpleng tumingin sa wall clock. Almost twelve na.
"Orange juice lang." Tipid namang sagot ni Jin saka kinindatan si Nimfa.
"C'mon, at this hour?! Orange juice?! Are you kidding me Jin!" I chuckled.
Nagkibit balikat siya. "Alam mo naman. Ayokong pagsimulan namin ito ng away ni Charm. Hindi rin naman kasi ako magtatagal eh."
"I see." Napatango-tango ako dahil sa tinuran niya. Parang gusto ko na tuloy bitawan ang Jack Daniels na kinuha ko sa aking bar stand na dinala ko sa centre table. "Alright. Orange juice it is." I looked at Nimfa na tumango lang saka kami tinalikuran. Muli ko siyang binalingan. Tumikhim pa muna ako bago magsalita. "Anong hangin kaya ang nagtulak sa'yo para bisitahin ako, Jin?"
Nagkibit balikat siya saka tipid na ngumiti. "W-Well, it's not really that much important, but I really do hope that you will not mind it."
Looking at the person in front of me, I realized how far different am I to Jin. Sa pananamit, pananalita, sa perspective tungkol sa buhay. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na minahal siya agad ni Charm. Nakakita siya ng taong malayong malayo sa personality ko. "Hmm, depende siguro." I tried to joke out habang hawak hawak ko ang aking baba na tila nag-iisip.
Tila ba bigla siyang nahiya. "A-Ahm well, almost a year na rin namang tapos iyong sa inyo ni Charm right?"
Napatuwid ako ng upo ng marinig ko ang pangalan ng babaeng mahal ko. Of course what do I expect? Surely she comes for Charm. Or something that is related to Charm. Napatingin ako kay Nimfa na sumilip muli sa may pinto at mabilis kong tinanguan. Dala-dala na niya ang baso ng orange juice na may kasamang sandwich.
"That was quick!" Puri ni Jin at muling kumindat kay Nimfa. "Thanks." Nakangiti pa niyang sabi.
Pasimple ko namang ininom ang laman ng aking baso. Damn! Sa ilang beses ko ng iniinom ang alak na ito bakit ang pait pa rin sa panlasa ko. "Well.." Untag ko nang muling makalabas si Nimfa.
Muling tumikhim si Jin. "Well tungkol lang naman ito sa patuloy mong pagbisita kina Nanay Carmela..."
Nagsalubong ang aking kilay. Paano niyang nalaman na malimit pa rin akong bumibisita kina Nanay Carmela? Sinisigurado ko naman na hindi malalaman ni Charm ang pagpunta-punta ko sa kanila ah.
"Alam mo na, minsan nang nadulas si Chai sa akin na bumibisita ka pa rin sa kanila."
Muli akong nagsalin sa aking baso saka ito mabilis na tinungga. Hindi ko pa naiwasan ang mapangibit sa lasa. "About that, I don't see anything wrong. I mean, I've been part of their family right? Saka I always see to it naman that Charm has nothing to do with it." Kaswal kong sabi.
"Honestly, Alex, I'm the one who's not comfortable about it." Tiningnan niya ako ng derecho sa aking mga mata. "I know, I can never erased you in Charm's life. I can never replace you either. But I want to prove to her everyday that I'm worth it. That she deserves me no matter what."
"So what are you trying to imply now, Jin?" Pasimple kong naikuyom ang aking palad.
"In order to fully make her mine, kailangang mapalapit din ako sa pamilya niya. And never akong makikita nina Chai at Nanay Carmela kung palagi nila akong ikokompara sa'yo. I've been trying my best all this time Alex. Nagkataon lang na isinilang kang mas may sinasabi sa buhay but the rest, I guess.." Hindi na niya itinuloy ang kanyang sinasabi at nagkibit balikat lang.
Now she's bragging about it. Isinasampal pa niya sa mukha ko ang kaibahan namin. "Hindi ako nakikipagkompentensya sa'yo Jin. The moment na nakipaghiwalay sa akin si Charm, dumistansya na ako. And I'm at the process of accepting all that happened."
"So I guess, hindi naman na mahirap para sa'yo na dumistansya na rin sa pamilya niya Alex."
Saglit akong natahimik. Damn. Lahat na lang ba kukunin niya sa akin?
"Charm and your story has ended a year ago, Alex. I am the new chapter in her life now. And frankly speaking, I want to totally removed you in creating our own story. No offense meant, but I wanted to give Charm a far different story than yours. Something memorable and endless. I hope you get what I mean.."
Suddenly, it feels like breathing is hard to contain. I felt like my heart just stops beating and it was broken into hundreds of pieces. Worst, its not only caused by Charm. But because of the person who replace me in Charm's life.
"Hi Ate! Halika muna rito!"
Nabalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang boses ni Chai. Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitingnan. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa kanyang kagandahang taglay.
"Oo nga. Nakakapagod mag estima ng bisita." Sabi naman ni Charm at hindi man lang ako sinulyapan. Lumapit siya kay Nanay Carmela. "Okay ka lang ba 'Nay?" Masuyo niyang tanong saka ito marahang hinalikan sa ulo.
"Oo naman. Narito naman itong dalawa mong kaibigan eh. Ikaw anak? Okay ka lang ba? Halika rito at maupo ka muna. Masyado kang abala eh ikaw nga 'tong may birthday."
Pasimple itong tumingin sa kanyang relo saka inilibot ang tingin sa paligid. "Ewan ko ba kay Jin, bakit nagdesisyon siya na magkaroon ng ganitong party. Sinabi ko naman sa kanya na pampamilya na lang sana."
Tumayo ako saka iminuwestra sa kanya ang upuan. "Have a seat and take a rest Charm." Tipid lang akong ngumiti. Nakita ko sa di kalayuan na papalapit na rin si Jin. Tumikhim pa muna ako bago muling nagsalita. "May nakita lang akong isang kakilala sa banda dun. I'll just say hi." Mabilis ko lang hinalikan sa pisngi si Chai ganon din si Nanay Carmela, tiningnan ko nang makahulugan si Myra na tumango lang at tila nakaka-unawa saka ako nag-umpisang humakbang. "Excuse me.."
"Alexa..."
Napahinto ako at tila saglit huminto ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko naging mabagal ang lahat ng pangyayari sa paligid ko. Kailan ba iyong huling beses na tinawag niya ako sa ganyang pangalan? "Hmmm..?" I wanted to run towards her. I wanted to cry it all out. I wanted to ease all the pain that I've caused her.
"You'll be okay, right?"
I don't know if its just my imagination but why do I have this feeling that she means more than what those words mean? I bit my lip and tried my best not to cry all over again. Tumango-tango ako. "O-Of c-course. I'll be okay. I'll be okay." I tried to fake a smile, slowly turned my back and walked away.
Bakit sa pagkakataong ito iba na ang pakiramdam ko? Bakit ang bigat ng mga paa ko? Bakit tila may pasan ako sa mga balikat ko at ang hirap gumalaw?
For the last time I turned around and met those eyes of Charm. I don't want to let go. I cannot let her go.