Tik! Tik! Tik! Tik! "No!!!" Kasabay ng paglapat ng malaking kamay ng orasan sa 12 ay ang biglang pag-ikot na naman ng paligid ko. "Noooooooooo!" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Naikuyom ko ang aking palad. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. I'm still here. I bit my lip to suppress myself from crying. Again. All over again! Napatingin ako kay Chai nang maramdaman ko ang paghampas niya sa aking braso. "Si Ate Charm lang naman ang maganda sa paningin mo eh!" Nakaingos niyang sabi. Nagkibit balikat lang ako at ngumiti. Binalingan ko si Nanay Carmela. "Kamusta naman kayo 'Nay? Parang pumapayat kayo ah?" "Oo nga po, Tita. Akala ko ako lang ang nakakapansin." Singit naman ni Myra na bakas din sa mukha ang pag-aalala. "Alam nyo naman ang tumatanda. Ganito ata talag

