Perplexed

2960 Words
"So maybe you can tell me now the whole thing that happened to you today, Alexa?" Sinulyapan ko si Charm na nasa passenger seat. Her brows were creased. "I thought you'd already forgot about that." Nagkibit balikat ako at muling itinuon ang aking atensyon sa pagmamaneho. Inihatid lang namin sina Chai at Nanay Carmela matapos ng maliit naming celebration para sa graduation ni Charm. Now we're heading to the hospital. "I wouldn't let it slide this time Alexa. I want to know what happened to you. And when I say 'what happened' I mean everything, even the slightest detail that happened to you." I chuckled and shaked my head. "Seriously Charm? Can't we just enjoy this night and celebrate this day? I mean, you just don't know how proud I am to you. Saka nasabi ko naman na sa'yo kanina sa University 'di ba? Do I really have to detail it?" "I know you are." She smiled and winked. "But we can enjoy the whole night while you are telling me some interesting stories." I laughed. I hold her hand and kissed it. Saan na nga ba napunta ang mga ganitong pagkakataon sa pagitan namin ni Charm? Mga ganitong pangyayari na napakasimple lang ng lahat. We were not shouting with each other. We never misunderstood one another. We listened from each of our stories. I looked at her. "Mahal ko.. I miss us.." Dumami ang gatla sa kanyang noo. "Care to elaborate Mahal kong Alexandra." Puno ng lambing ang kanyang boses. Gosh did I just melt with those looks of her? "When I said 'I miss us', I was actually pertaining to 'us'!" Nagkatingin kami at sabay pang nagkatawanan. "I think your jokes were getting lame, Alexa." She teased. I shrugged. "Well, I don't mind having a 'lame joke' as long as it will still make you laugh!" "Hmm.. Alright then. I'll add that for all the 'kilig' things that you said and did for me. Fair enough Alexa?" Hindi ko na napigilan ang mapatawa. "Now that would be great, Charmaine!" Ipinark ko ang aking sasakyan sa hospital. "Can you accompany me inside, Charmaine?" Pinagtaasan niya ako ng kilay saka nag crossed arms. "So I thought derecho na tayo sa condo mo, Alexandra?" "When are you going to learn that its 'our' condo?" "And how many times do I need to tell you that its only 'yours' and that I'm just having some sleepovers!" Muli kaming nagkatawanan. Hinarap ko siya saka ko muling hinawakan ang dalawa niyang kamay. "You know, I love this night, I mean this kind of nights that we got to spend time with each other. You know, that even we're talking nonsense stuffs, still it means a lot to me." Napakamot ako sa aking noo. "Do you get what I mean? You know, spending time with you like this is precious. Its like, I wanted to freeze each moment to stay like this." Nagkibit balikat ako saka muli siyang tinitigan. "I know I don't often tell you what I really do feel. And sometimes I'm being sarcastic or just I'm making fun of it but I do love you, am I making sense to you, Mahal ko?" Her eyes were a bit teary while she smiled. "Of course! Of course you do always make sense, Alexa!" Ginagap nya ang aking kamay saka ito dinala sa kanyang mga labi. "I love you too.. So so much." Ngumiti siya saka ako kinindatan. Halos sabay lang kaming bumaba ng sasakyan. Muli ko siyang hinawakan sa kamay at naglakad na kami papunta sa loob. Kukunin ko sana ang dalawang paper bag na pinabili ko kay Myra pero naunahan nya na ako. "Sorry Ma'am, pero tapos na po ang visiting hours. Magstart po ulit bukas ng 8 am." Iyon agad ang sinabi ng nurse on duty nang makarating kami sa reception ng hospital. Napakamot ako sa aking noo at napangiwi. "I haven't thought about that." Napatikhim ako at pilit na ngumiti. "Ahm, can't we do something about that Miss? Nawala rin sa isip ko ang bagay na 'yan. Kahit saglit lang. I really need to check on someone." Napatingin ako kay Charm nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay. "Mahal, their strict with the policies here. Bumalik na lang tayo bukas." Mahinang sabi ni Charm. "Mahal ko, but I made a promise to her. Nakakahiya naman." Muli kong binalingan ang nurse na on duty sa reception. "Ma'am kahit five to ten minutes lang. Magpakita lang ako tapos aalis na rin kami." Napailing-iling ang nurse. "Pasensya na po Ma'am. Pero wala po akong magagawa. We need to fol-" "So its really you Alex!" Sabay pa kaming napatingin ng nurse sa nagsalita mula sa aking likuran. Parang biglang nagliwanag ang gabi ko nang masulyapan ko siya. Pinisil ko ang kamay ni Charm at nginitian siya ng ubod ng tamis. "Look whose here!" Bakit ba hindi ko agad naisip na dito nga pala sa hospital na 'to nagtatrabaho si Elaine. "I think I saw you yesterday!" Napahalakhak ako sa tinuran nya. "And I think you were so drunk last night!" "But I did beat you!" "Damn! Cause I never cheat!" Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. "Eherm! Bago pa kayo magpayabangan ng galing nyo sa inuman, why don't you tell her exactly the reason why we came here, Alexa?" She rolled her eyes and cross her arms. "That's my girl!" Sabi naman ni Dr. Elaine Aguinaldo. Isa sa malalapit kong kaibigan. Lumapit siya kay Charm at hinalikan ito sa kanyang pisngi. "Congratulation for a new milestone in your life Charm. Salamat din sa pag-invite sa party!" Kantyaw niya. Napatawa naman si Charm. "Salamat Elaine! Sa big celebration punta ka ha?" I rolled my eyes. Kinabig ko palapit sa akin si Charm saka masuyong hinalikan sa ulo. "Alright Mahal ko. For sure, Dr. Aguinaldo will help us." Pag-iiba ko ng usapan. "Hindi ako naiinggit!" Sabi niya na napapailing pa. Naglakad siya palapit sa reception at kinausap ang on duty nurse na kausap namin kani-kanina lang. "Whose patient they want to see nurse?" Kumindat pa siya sa babae. "Don't worry its on me!" "O-Okay Doc!" Sabi naman ng Nurse na napakamot pa sa kanyang ulo saka iniabot ang isang folder kay Elaine. Halata sa mukha nito na nag-aalinlangan siya pero wala naman na siyang nagawa. "Alright!" Nilingon niya kami saka itinaas ang folder na hawak niya. "Let me lead you the way, ladies!" Yumukod pa siya na ikinatawa ko. "Finally I can rely on you!" I said, saka muling hinawakan sa kamay si Charm at iginiya pasunod kay Elaine. "It's not really that much far." Sinundan namin siya sa paglalakad. "I wonder where do you get that much energy, Elaine!" Napailing-iling ako. Nagkibit balikat siya saka kumindat. "I am a Doctor just so you know!" Sabi niya saka kumatok sa tapat ng pinto na tinigilan namin. "Hi, good evening. I'm Dr. Aguinaldo." Tahimik lang kaming sumunod sa kanya. Agad akong napasulyap sa babaeng nakahiga sa hospital bed at nakapikit ang mata. Now she looks better compare kanina noong isinugod ko siya rito. "M-May c-check up po ba si Nanay?" Tumikhim ako at marahang hinawi sa gilid si Elaine dahil tinatakpan niya ako. "Hi Nimfa. Sorry for coming this much late. Ang dami kasing nang-" "Ma'am Alexandra!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nabigla ako sa ginawa niyang pagsalubong sa akin. Bigla niya akong niyakap saka humagulhol. Tumahimik ang buong paligid at tanging paghagulhol na lang ni Nimfa ang naririnig sa buong kwarto. Inalo alo ko lang siya. "Sssshhhh... That's enough. Shhhh..." "Eherm.." Napatingin ako kay Elaine na may makahulugang tingin. Saka lang ako nakaramdam ng awkwardness kaya naman humiwalay ako sa pagkakayakap niya at tipid na ngumiti. "A-Ahm, Nimfa, si Charm nga pala girlfriend ko." Hinawakan ko sa kanyang kamay si Charm. "M-Mahal ko, siya iyong sinasabi ko sa'yo kanina. Saka iyong Nanay niya." Muli kong tiningnan si Nimfa. "Pasensya ka na, medyo nalate ang dating namin ha?" "O-Okay lang, Ma'am. Siya pala iyong tinutukoy nyo kanina?" Tumingin siya kay Charm at ngumiti. "Ang swerte nyo po Ma'am kay Ma'am Alexandra." Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Charm sa kamay ko. "Huwag mo na akong tawaging Ma'am.. Siguro magkasing edad lang tayo." "Ahm, ako rin Nimfa. Alex na lang ang itawag mo sa akin." Singit ko naman. "N-Nakakahiya kasi.." Napatungo siya at nang tumunghay ay parang maiyak-iyak na. "H-Habang buhay kong tatanawing utang na loob 'to kay Ma'am Alexandra. K-Kung h-hindi dahil sa kanya, b-baka.. B-Baka.." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na siyang humagulhol. "Hey.." Maybe its just my reflexes or what, basta bigla na lang akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Ewan ko kung dahil ba galing na ako sa present time at kilala ko na si Nimfa or talagang noong unang kita ko pa lang sa kanya magaan na talaga ang loob ko sa kanya. "Okay na.. I just did what I think is right. Just always be strong. Your mother needs you. At kung anuman ang pwede ko pang itulong, magsabi ka lang. I'll try my very best to help you.." Panay lang ang alo ko sa kanya. "Eherm.. I-I think hindi ko pa napapakilala ang sarili ko." Napatingin ako kay Elaine na may makahulugang tingin na naman. Napakagat labi ako at napapikit ng mariin. Damn! Nasa likod ko nga lang pala si Charm. Marahan akong humiwalay kay Nimfa at muling binalingan si Charm. This time hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pilit akong ngumiti saka kinuha sa kanya ang paper bag, pero nagulantang ako dahil hindi niya ito binibitawan. "M-Mahal ko?" "This is for you." Pinagtaasan lang ako ng kilay ni Charm at kay Nimfa naman siya bumaling. "Pasensya ka na, 'yan lang ang nabili namin. Medyo busy kasi kami parehas. Hopefully tomorrow makabalik kami para sa iba nyo pang kailangan." Muling sumingit si Elaine. "Hi! I'm Dr. Elaine Aguinaldo. Alex's friend. Mukhang wala siyang balak akong ipakilala sa'yo, which I wonder why." Makahulugan niyang sabi. Naka extend pa ang kanyang kamay kay Nimfa. "I was about to do so, Elaine! Hindi ka lang makapag hintay!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Please, don't mind these two! Ganyan talaga sila." Singit naman ni Charm saka lumapit kay Nimfa at hinila ito papunta sa sofa. "Kamusta na ang Nanay mo? Okay na ba siya?" "O-Oo. Sabi naman ng Doctor na nag round kanina, baka bukas or sa makalawa pwede na siyang madischarge." Binuklat ni Nimfa ang paper bag na iniabot ni Charm. "S-Sana h-hindi na kayo nag-abala, M-Ma-am.." Nagsisimula na namang gumaralgal ang boses niya. "Shhhh... Huwag mo ng pakaisipin yan. Maliit na bagay lang yan para kay Alexa!" Tumingin siya sa akin at kumindat. "Right Mahal ko?" "Oo naman! Wala 'yon Nimfa!" I winked and smiled. "Basta huwag mo na akong tawaging Ma'am." Hinawakan ni Charm ang kamay ni Nimfa. "Charm na lang ang itawag mo sa akin. Masyadong pormal kasi." "A-Ayoko k-kasing isipin nyo na..." "Ahm, Nimfa huwag ka na masyadong mag-isip! Saka pwede mo rin akong lapitan kung kailangan mo ng tulong!" Muling sumingit si Elaine. Abot hanggang tenga ang kanyang ngiti. "Saka by the way, Alex, hindi pala kayo pwedeng magtagal kasi tapos na ang visiting hours. Bukas na lang kayo bumalik!" Nagkatinginan kami ni Charm. "What?! Kaya ka nga nandito 'di ba?!" Mula noon nga pala talaga may pagkababaero na rin talaga itong si Elaine eh. Natatandaan ko ng panay ang papansin nito kay Nimfa, kaso hindi naman pinapansin ng huli. Napailing-iling naman si Charm saka tumayo. Lumapit siya sa Nanay ni Nimfa at tahimik itong pinagmasdan. Maya-maya pa ay muli siyang tumingin sa amin. "I guess, tama si Elaine, Alexa. Late na rin naman. Bigyan din natin ng time na makapagpahinga si Nimfa. Okay lang naman sa'yo 'di ba?" Tipid siyang ngumiti kay Nimfa. "O-Oo n-naman.." Tumingin siya sa akin na tila may pag-aalinlangan. "Hey, don't worry. Babalik ulit kami." Nilapitan ko siya saka inakbayan. "Babawi na lang kami bukas." "Can I have a word with you, Alex?" Napapailing pa si Elaine nang tingnan ko siya. "Saglit lang 'to ladies!" Paalam pa niya kina Nimfa at Charm saka ako hinila palabas ng hospital room. "What was that?!?" Iyon agad ang ibinungad nya sa akin pagkalabas namin sa hallway. "What??" "You and Nimfa?!" Nagdududa ang paraan ng tingin niya sa akin. "C'mon Elaine! I'm not like you!" Mariin kong tanggi. "Besides she's like a sister to me!" Napangisi siya at nagkibit balikat. "Yeah right! You're not like me, but the way I see you there, just a while ago..." Napapailing pa siya at napapalatak. "Shut up!" Tatalikuran ko na sana siya at babalik na ako sa loob ng hawakan niya ako sa braso. "I'm serious, Alex! I mean, when did you two meet?" Nilingon ko siya. "I've known her for so long, Elaine!" "Like when??" "Like almost five yea--.." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin. Yes. In the present time I've known Nimfa almost five years. But I'm in the past. And this is just the... "I mean, we've just met this afternoon." Heto na naman ang nagdududang tingin ni Elaine at ang ngisi niyang nakakaloko. "For your informatiom, Elaine, magaan lang ang loob ko kay Nimfa! That's it! Huwag mo ngang lagyan ng kulay ang mga actions ko!" "Then who said that she's like a sister to you?" "What?" Tinitigan ko siya at pilit kong pinaprocess ang ibig niyang sabihin. "As far as I remember you're a general surgeon. Kailan ka pa naging psychiatrist?!" "Don't change the subject, Alex. Who said that Nimfa is like a sister to you?!" "Me!" Ramdam ko ang pagtaas ng boses ko. "You know what, this doesn't make sense!" Muli ko siyang tinalikuran habang napapailing. "Well, I think its not what I see.." Natigil tuloy ang pagpasok ko sa loob at muli siyang nilingon. "Shut up Elaine!" "And I think I'm not the only one whose thinking of what I think!" "W-What?! I don't know what are you trying to say. Or I don't even know wh-" "Tapos na ba kayong mag-usap?" Muli akong napatingin kay Elaine na nagkibit balikat lang nang bumungad si Charm sa pinto. "Alexa..?" "Tapos na kaming mag-usap Charm. Ako ng bahala sa kaibigan nyo." Tinapik-tapik pa niya ako sa balikat saka kami tuluyang iniwan ni Charm. "Tara na ba?" Pukaw ulit ni Charm. "C-Can I just say goodbye to Nimfa?" I'm trying to figure out what's written on Charm's face. Pero ang hirap niyang basahin. Mali siguro ang iniisip ni Elaine. For sure, Charm will never think of something, will she? Nagkibit balikat lang siya saka ako nilampasan. "Hintayin na lang kita sa kotse mo." Ni hindi na rin niya ako hinintay pang sumagot. Tumalikod na siya at naglakad. Para naman akong natulos sa kinatatayuan ko. What is it this time? Sa pagbabalik kong ito sa nakaraan, halos buong pangyayari nabago ko. But why do I have this feeling that still there's something wrong? That there's still something that I'm missing? Though I was late in the graduation ceremony, umabot naman ako at hindi ko naman namiss ang pinaka importanteng bahagi. I even celebrated the after party with Charm. Now what am I missing?!? Muli kong tiningnan si Charm na ngayon ay unti-unti ng lumiliit sa aking paningin. Bakit ganon? Iba pa rin ang pakiramdam ko? I clenched my fist and checked my watch. I still have time. Damn! Hindi na ako nagpaalam pa kay Nimfa. Mabilis akong naglakad palabas ng hospital upang sundan si Charm. Kapag hindi ko pa rin natanggal ang sakit na naidulot ko kay Charm ngayon, walang kwenta ang lahat ng effort ko sa pagbabalik ko. Kahit pa halos nabago ko ang sitwasyon kung at the end nasaktan ko pa rin ang babaeng mahal ko, sayang lang ang lahat. Still, regrets will run after me for the rest of my life. Tama na ang sakit ng pagkakahiwalay namin ni Charm. Nakakapagod na ring gumising kada umaga na punong-puno ako ng pagsisisi dahil sa hindi ko pinahalagahan ang pinagsamahan namin ni Charm. Mas nadodoble lang ang sakit. "Mahal ko.." Halos isang dipa mula sa akin, nakasandal si Charm sa kotse ko at tila ba malalim ang iniisip. Damn! Saan pa ba ako nagkulang? Ano pa ba ang hindi ko maintindihan sa nangyari noon? What am I missing?! Why the hell I can still see sadness in Charm's eyes?! "Oh akala ko ba magpapaalam ka kay Nimfa? Ang bilis mo naman?" Inilang hakbang ko na ang natitirang distansya sa pagitan namin saka ko siya niyakap. "Charmaine Gozon, mahal na mahal kita. Please tell me if you're hurting. Please tell me everything..." Parang biglang gusto kong mag panic sa hindi ko maintindihang dahilan. "Alexandra, anong nangyari sa'yo? Napraning ka na naman ata!" Bagamat naramdaman kong tila nagulat siya sa ginawa ko, gumanti naman siya ng yakap at hinaplos haplos ang aking likod. "Hindi ka naman lasing ngayon. Don't tell me hangover pa rin yan since last night?" Nasa boses niya ang panunudyo. Humiwalay ako sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti. "I-I love you.." Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi maiyak. From past to present parang puro na lang pag-iyak ang ginagawa ko. "P-Please p-promise me that you will never give up on me? Please Mahal ko, don't ever give up on us.." I feel helpless. Here I am, halos kontrol ko na ang mga mangyayari, halos baguhin ko na ang lahat pero bakit ganon? Ang sakit pa ring isipin na pag nakabalik ako sa kasalukuyan, hindi pa rin magbabago ang katotohanan na ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay mawawala sa buhay ko at mapupunta sa ibang tao. "C-Charm.." Tuluyan na akong napahagulhol. "H-Hey.." Kahit ayaw kong humiwalay sa kanya wala naman akong nagawa. "Hmm?" She smiled. "Let's go home.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD