Mabilis akong tumakbo sa aking kwarto nang marinig ko ang pagring ng aking cellphone. "Hello.." "Hi, sweetheart! Good morning! What are you up to right now?" Napangiti ako sa tanong ni Jin. "Wala naman. Bale ineenjoy ko lang ang Saturday ko. Naglilinis ako sa apartment. Feeling ko ang tagal ko ng hindi nakapag-ayos dito!" Inipit ko sa pagitan ng aking balikat at tenga ang aking cellphone saka yumukod upang silipin ang ilalim ng aking kama. "I see. Busy ka pala! So baka bukas na lang kita istorbohin ha? Alam mo naman, inaya ako ng officemate ko na maggulf. Hindi ko na nahindian, kasi last month pa nya ako inaaya eh!" Natawa ako. "Okay! Ang hirap mo palang i-invite! Dapat may early booking!" I teased. Napatawa rin siya sa kabilang linya. "You bet!" Sakay niya rin sa biro ko. Napa

