“Yes, Mommy! I also sing that song!” tuwang-tuwang tugon ni Theon. “Maganda iyan. Mamaya kakantahin natin iyon, sabay tayo,” masiglang sagot niya habang ginugulo ang buhok ng bata. “Sige, Mommy. Eh ikaw, Daddy, gusto mo po bang sumali?” baling ni Theon sa ama. “We’ll see,” kibit-balikat na sagot ni Timothy. Napailing na lamang siya. Ilang sandali pa ay nakaupo na silang tatlo sa ibabaw ng kama habang nanonood. “Ayan na, kakanta na sila,” nasasabik niyang sabi nang makita ang eksenang magsisimula na ang paborito niyang kanta. “Yes, Mommy! I’m so excited!” sigaw ni Theon habang tumatayo at pumapalakpak. Kaya’t lumuhod naman siya sa ibabaw ng kama, kaharap ang bata. “Hakuna Matata, it means no worries!” sabay nilang kinanta ni Theon nang magsimulang umawit ang mga karakter sa The Lion

