"Well sometimes," kibit balikat na sagot ni Timothy kaya't sabay-sabay silang natawa lahat. Ilang sandali pa ay tanaw nila ang beach resort na talaga medyo malapit sa dagat. "Wow, it's beautiful," bulalas niya dahil malapad ang pool at may maliit na tulay na parang walking passage ang atake, kasi maliit iyon sakto lang para daanan nakalagay sa gitna ng malapad na pool, and yeah tanaw na tanaw na nila mula sa kinakatayuan. "Is the owner waiting for us?" seryosong tanong ni Timothy kay Mike nang makababa na sila sa may yate at may sumalubong sa kanila na staff at isang medyo may edad na na lalaki. "Yeah, see the one who with green shirt, he is the owner, Mr Lim," tugon naman ni Mike kay Timothy habang papalapit na sila. "Alright," tugon naman ni Timothy na karga-karga si Theon haba

