Iris POV
Napaupo na lamang ako ng maalala ko ang mga lugar na aking inilista upang mapuntahan ko ito ng personal. Pagkakuha ko ng aking cellphone upang maghanap sana ng mga impormasyon sa lugar na una kong pupuntahan ay nakarinig ako ng katok mula sa aking pintuan.
Pagkabukas ko ay bumungad sa akin si Daddy. Gulat na gulat na napatingin ako rito dahil buong akala ko ay nakaalis na sila.
"Pinauna ko na ang mga Mommy mo sa bahay." parang nabasa naman nito ang nasa isip ko.
Napatango na lang ako sabay turo sa kan'ya papasok sa loob ng bahay. Pagkaupo nito ay napahinga ako ng malalim dahil alam ko sa sarili ko na hindi maganda ang pupuntahan ng kung ano man ang mapaguusapan namin.
"Gusto niyo po ba ng maiinom?" tanong ko rito.
"Kahit tubig na lang anak." sagot naman nito. Pagtalikod ko ay napahinga ako ng malalim at nagpatuloy na sa kusina upang kumuha ng tubig.
Pagbalik ko ay umupo na ako sa tabi niya.
"Ano po ba ang pinunta niyo rito?" tanong ko. "Akala ko ay nakauwi na kayo." dagdag ko pa rito.
"Anak bumalik ka na sa bahay miss na miss ka na namin sa bahay." sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
"Daddy 'wag na tayong mag bolahan alam natin na ayaw niyo na nasa bahay ako." sagot ko.
"Anak ang gusto lang naman namin ay kung ano ang makakabuti sa iyo." katwiran pa nito.
"Alam ko naman 'yon Daddy pero sa ngayon ito ang makakabuti sa akin." napahinga ako sa sinabi ko. "Mas makakabuti na malayo muna ako hanggat hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko sa inyo." dagdag ko pa rito.
"Anak nandito lang kami, bukas ang bahay sa iyo anytime kahit bumisita ka man lang." sabi pa nito.
"Dumadalaw naman ako sa bahay." tipid na sagot ko pa.
"Oo nga dumadalaw ka kapag wala kami ng Mommy mo." kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Bukas may dinner sa bahay sana makapunta ka magluluto ang Mommy mo ng mga paborito mo na ulam." dagdag pa nito.
"Titignan ko po kung makakapunta ako may mga gagawin din po kasi ako." paliwanag ko pa.
"Maraming salamat aantayin ka namin." Tumayo ito sabay yakap sa akin at halik sa noo ko. "Miss na miss ko na ang prinsesa ko." bulong nito ramdam ko ang pagiging emosyonal ni Daddy kaya napayakap ako rito ng mahigpit.
"Na miss ko ito." bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Nandito lang kami anak puwede mo kaming yakapin sa tuwing nanghihina ka." sabi ni Daddy.
Napayakap ako ulit ng mahigpit kay Daddy. Nagusap lang kami ng mga ilang minuto pa at maya maya ay nagpaalam na ito na uuwi na.
"Maraming salamat sa oras mo anak." nakangiting sabi nito.
"No, thank you so much for visiting me." sagot ko rito. "I really need this hug Dad thank you." dagdag ko pa.
Pagkaalis ni Daddy ay naisipan ko na maglinis na lang muna ng bahay para kahit paano ay maiba naman ang paligid ko baka sakaling may maisip ako na bagong concept para sa story ko.
Hindi ko maintindihan pero bigla na lang pumasok ulit sa isip ko yung kababata ko dahil sa nangyari kanina sa bata sa park.
Kumusta na kaya siya? sana naman ay hindi na siya na bubully ngayon. Napatawa ako sa na isip ko.
Pero sana nga nasa maayos siya na lugar at sana ay masaya siya.
'Naaalala pa kaya niya ako?' Napailing ako sa na isip ko.
"Ano ka ba naman Iris ang tagal tagal na non malamang limot ka na rin niya." bulong ko pa sa sarili ko.
"At kapag hindi ka pa naka isip ng bagong concept ay siguradong hindi lang siya an makakalimot sa iyo, makakalimutan ka rin ng mga taong sumusuporta sa iyo kaya ayusin mo ang buhay mo." dagdag ko pa sabay buntonh hininga ng napakalalim.
Pagkatapos ko maglinis ng bahay ay masyado na akong pagod para magluto pa at masyado na rin namang late kung maluluto pa ako kaya naisipan ko na lang na pumunta sa fastfood malapit sa bahay at mag take out na lang.
Ethan's POV
Napapailing na lang ako habang nagmamaneho papuntang fastfood chain dahil si Mommy ay nag request na gusto niya raw ng burger at fries for dinner kahit alam naman niya na hindi healthy 'yon para sa kan'ya at sa baby pero dahil mapilit siya ay pinagbigyan ko na.
Habang papasok ako ay siyang pag labas ng isang babae, hindi ko alam pero napahinto ako sa paglalakad ko at napatingin na lang ako sa kan'ya.
Napatingin din ito sa akin pero halos wala pa sa isang segundo dahil nagmamadali itong lumabas hinabol ko pa ito ng tingin habang pasakay ng taxi.
Pagkatapos ko mag order ay umuwi na ako sa bahay ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko yung babae parang familiar kasi siya pero hindi ko lang maalala para bang nakita ko na siya kung saan.