Marahas na napabuga ng hangin si Lyn. Napatingin siya sa nahiwa niya daliri. Bigla nag-init ang pakiramdam niya ng maalala ang ginawa ng binata. Shit,tama bang isubo nito ang daliri niya?! Marahas siya muli napabuga ng hangin. Hindi na siya komportable sa presensya nito. Bakit ganun bigla nagbago? Baka naman kasi naaakit ka na sa kanya? Saad ng antribida niya isip. Ang hot niya kagabi sa may swimming pool ngayon naman ang hot niya habang nasa bibig niya ang daliri mo! "Hindi noh! Hindi siya hot!" "Sino?" Marahas siya napalingon sa nagsalita iyun. Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Nakangisi ito sa kanya. Tumikhim siya. Relax,Lyn. "Yung..yung kalan hindi pa siya hot.." saad niya. Sumulyap ito sa may electric stove at may kawali naman na nakapatong dun. Nakangisi pa rin ito t

