Tulad nang sinabi niya ilang araw na niya nilalabas ang dalaga kung saan-saan lugar na pwede niya ipasyal ang dalaga. Kahit wala ito sinasabi alam niyang hinahayaan siya nito gawin niya ang gusto niya mangyari sa kanila dalawa. "Nasaan ba ang parents mo? Mag-isa ka na lang din ba ngayon sa buhay?" pukaw sa kanya ng dalaga. Magkatabi sila nakaupo sa may hood ng kotse niya na nakaparada sa isang mataas na bahagi ng lugar kung saan tanaw nila ang siyudad. Ang mga nagkikislapan ilaw mula sa mga sasakyan at mula sa mga nagtataasan gusali ay siyang nagpapakislap ng kanilang gabi habang panglaw sila ng maliwanag na buwan. "Yes,wala na sila maliit pa lang ako pumanaw na sila.." Ang kanyang magulang na isang Hari at Reyna. Pitong taon na siya noon ng mamatay ang mga ito. Gaya din ng ibang Prin

