Lucinda Nagising ako sa isang mabahong amoy ng kung ano sa kusina kaya naman bigla na lamang akong napatakbo muli sa banyo. Geez. Ano ba ang nangyayari at kaninang madaling araw pa akong nagsusuka? Nagmumog ako ulit at lumabas sa kwarto na nakatakip ang aking ilong dahil sa mabahong amoy. “Good morning, Lucinda. Sakto dahil nagluto na ako ng pasta at sinigurado kong bagong luto na ito.” Napangiwi ako dahil ayokong lumapit sa kusina at nakatakip lang ang aking ilong. “Lucinda? May problema ba? Masama nanaman ba ang pakiramdam mo?” “What is that smell?” tanong ko sa kanya. “Ha? Baka itong pasta ang tinutukoy mo. Gutom ka na ba?” tanong niya. “Ang baho niyan, Ian. It makes my stomach sick.” Umakto akong naduduwal kaya naman agad na nag-aalala sa akin si Ian. Linapitan niya ako at agad

