Clark Nang makaalis sa aking harapan si Lucinda ay naikuyom ko ang aking kamay at naiinis ako sa aking sarili. Hanggang ngayon ay ayaw ko pa rin siyang idamay sa gulo ng aking pamilya at kung kinakailangan na itago ko ito sa kanya hanggang sa mamatay ako ay gagawin ko. Pero kung hindi ko naman ito sasabihin ay siya naman ang nagbabadyang mawala sa akin at hindi ko kakayanin iyon. Noong araw na malaman ko na kinidnap siya ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa katawan. FLASHBACK Abala akong gumagawa ng paraan para lang mapaghiwalay silang dalawa ng Ian na iyon. Nang makita ko siyang pumasok sa condo ni Ian ay halos tawagin ko lahat ng santo at santa para lang pigilan ang aking sarili na huwag sumugod. Naiinis ako na bakit ang bilis lamang makalimot ni Lucinda habang ako ay palagi

