CHAPTER 16 - HE WAS IRRITATED

2289 Words

“Kikay dali halika tingnan mo ‘to,” tawag ni Xander sa kaibigan. Nasa may playground sila noon at naglalarong dalawa. Hindi sila mahilig makipaghalubilo sa ibang bata, iniiwasan kasi ni Kikay ang ibang bata sa ampunan dahil lagi siyang kumpulan ng tukso ng mga ito. Si Xander naman ay ayaw iwanang mag-isa ang kaibigan, kaya mas pinili nilang silang dalawa lang ang laging magkasama at magkalaro malayo sa ibang batang nakatira sa ampunan. “Ano ba ‘yang gawa mo Kuya Xander?” tanong ni Kikay sa batang lalake. “Tingnan mo ‘to, ‘eto ang magiging bahay natin. Kapag mayroong umampon sa atin ay titira tayo sa iisang bahay, kaya ‘eto gumawa ako ng drawing na magkasama tayo sa iisang bahay. May garden, tapos may aso tayo, tapos may sari-sarili tayong kwarto. ‘Di ba ang galing kong mag-drawing?” ipin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD