KIRA'S POV “What do you mean you don’t have a place to go now, Damon?” nakataas ang kilay na tanong ko habang pinapanood si Damon na lumalabas mula sa shower room. Kanina pa s’ya nagdadahilan na hindi makakauwi at ngayon nga ay hinayaan ko s’yang makiligo dahil sabi n’ya ay init na init na s’ya dahil dito s’ya dumiretso pagkagaling sa seminar. “I was kicked out in my own house,” nakasimangot na sagot n’ya habang nilalapitan ang bag na dala n’ya kanina. Gulat na gulat ako nang makita kong naglalabas nga s’ya ng ilang damit mula doon. Umawang ang bibig ko. “You’re what?” hindi makapaniwalang ulit ko sa sinabi n’ya. Paano naman s’yang mapapalayas sa sarili n’yang pamamahay? Pinaglololoko ba ako nito? Tumigil s’ya sa paglalabas ng mga gamit sa bag at saka nakasimangot na tiningnan ako. “

