Napadilat ako at napayuko para silipin ang pagkalaglag ng bikini top na suot ko mula sa mga dibdib ko. Umawang ang bibig ko at hindi maisip kung gaano kalakas na pwersa ang ginamit n’ya para mapunit n’ya ‘yon! Hindi makapaniwalang tiningala ko s’ya at nasalubong ang mga mata n’yang bahagya ng namumungay dahil siguro sa dami ng nainom na alak! “This bikini is not mine, Damon! How dare you tear it off!” Inis na bulalas ko habang tinitingnan ang sirang bikini top ni Ate Euri na nahulog sa sahig ng banyo. Mariing napapikit ako dahil hindi ko alam kung paano ko ‘yon mapapalitan kaagad ng hindi n’ya nalalaman na nasira ang original! Imbes na matinag sa galit ko ay pinulupot n’ya ang mga braso sa bewang ko at malambing na yumakap sa akin. Napapikit ako sa iritasyon na nararamdaman at sinubukang

