Selfish

2516 Words

“Ingat sa pag-uwi,” nakangiting sabi ko kay Axel nang ihatid n’ya ako sa labas ng building ng condo ko. Tumango s’ya at umayos ng tayo mula sa pagkakasandal n’ya sa kotse n’ya. “Thank you sa dinner, kahit na ako dapat ang nanlibre ngayon,” nakangusong sabi ko. Kinagat n’ya ang ibabang labi at saka inihilamos ang palad sa mukha ko kaya napamaang ako sa kanya. “Don’t ever show that duck face to just anyone around you, especially guys if you don’t wanna have some problem ditching them,” nakangiwing sabi n’ya pa. “Tsk!” Sabay irap ko sa kanya at natigilan nang makita ko ang nananantyang titig n’ya sa akin. “What?” Tanong ko pa. Umiling s’ya at humalukipkip. “I’m leaving for France,” sabi n’ya kaya agad na napamaang ako at nagtatanong ang mga matang napatitig sa kanya. Ngumisi s’ya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD