On the next weekend after Kuya Gelo’s birthday, I have decided not to come home. Isang linggo na lang kasi akong mananatili bilang yaya ni Raven and Damon had a very hectic schedule that week. Halos buong linggo s’yang ginabi ng uwi dahil sa mga exams, practice game at sa pag-aayos ng ibang documents na kailangan n’yang asikasuhin bago mag-internship. He has decided to spend his internship in France a few weeks from now. Gusto sana n’yang dito na lang sa YM mag-internship dahil ayaw daw n’yang malayo sa akin. I cannot help but smile when I remember how he bugs me everytime we’re talking about that. Kung sasagutin ko daw s’ya ay dito na s’ya mag-iinternship kaya sinabi kong hindi ko s’ya sasagutin. Kahit pabiro lang na sinabi n’ya ‘yon ay alam kong gustong gusto n’yang doon mag-internship

