Padabog na binuksan ko ang pinto ng sasakyan ni Damon at inis na umupo sa passenger seat habang halos patayin na s’ya ng tingin habang naglalakad s’ya papasok sa sasakyan n’ya. Nang tuluyan s’yang makasakay ay agad na itinuon ko ang buong atensyon sa labas ng bintana. Nakakainis lang na nalagay na naman ako sa sitwasyon kung saan wala akong choice kung hindi ang magpahatid sa kanya pauwi. Kung alam ko lang na pupunta rin s’ya ngayong gabi edi sana ay hindi na ako pumunta dito! Kayang-kaya ko namang makabawi kay Axel sa ibang paraan, basta ‘wag lang magkrus ang landas namin ni Damon! Ang akala ko pa naman ay malalayo na sa kanya ang isip ko ngayong araw pero kung minamalas ka nga naman, hindi ko lang s’ya basta nakita at nakasalamuha ngayong araw kundi kasabay ko pang uuwi! Inis na hinawi

