I sighed in frustration as I left the Administration's Office. Inayos ko ang nagulot kong unipormeng kulay dark blue na palda. Isang pulgada ang taas nito mula sa aking tuhod. Katerno nito ang isang kulay light blue na button down blouse. Tinanaw ko rin mula sa salamin ng elevator ang kabuuang ayos ko bago ko pindutin ang button ng fifth floor. Sinuklay ko bahagya gamit ang mga daliri ko ang hanggang balikat kong buhok. Katabi ng opisina ni Troy ang opisina ni Maureen. Being one of the major stockholders of our company, Troy has a cozy and stylish workplace. I talked first to his secretary before I entered his office. "Good morning. Is Mr. Troy Del Mundo around?" I asked courteously. Nag-angat siya ng tingin patungo sa akin. Sa tantiya ko ay kaedaran ko lamang ang sekretaryang ito ni Tr

