Naalimpungatan ako ng gising sa pagtunog ng doorbell. Mukhang may room service na naman sa labas. Agad kong inalis ang kumot na nakatapis sa aking katawan. Ngayon ko lang naalala na hindi ko na pala nagawang makapagpalit ng sinuot kong damit kagabi. Damn that Troy! Napagod tuloy ako nang husto dahil sa mga ginawa niya sa akin. Napahawak din ang mga kamay ko sa aking magkabilang sentido. Mukhang may hangover din ako. My sleepy eyes greeted the two male staffs of the hotel that were standing at my front door. “Good Morning ma'am. May pinapa-deliver po ulit para sa inyo si Sir Troy,” malugod na bati ng isang staff sa akin. Pinatuloy ko ulit sila sa loob ng suite ko. Napatingin ako sa mga platong may takip na nasa harapan ko. "Pwedeng kalahati na lang ng dala n’yo ang ipasok n’yo sa loob.

