Hanggang sa matapos ni Troy ang pagkanta sa awiting iyon ay hindi na niya inalis ang kanyang malagkit na paraan ng pagtitig sa akin. Pagkababa niya mula sa entablado ay agad niya akong pinuntahan. Nang magkalapit na kaming dalawa ay bigla niya akong hinalikan sa labi ko. Napakapit ako sa batok niya. Everyone was thrilled as they witnessed our out of this world moment. Dahan-dahang bumitiw si Troy sa ginawa niyang paghalik sa akin. Tinitigan na naman niya ako ng mariin. Nanginginig ang magkabilang kamay ko habang inaalis ko ang mga iyon mula sa pagkakakawit ko nito sa kanyang batok. I can't believe that this is happening! Troy just confessed his love for me in front of these people. "You're crazy!" utas ko sa kanya. Sinabayan ko pa ng panlalaki ng aking magkabilang mata. Pagkasambit ko

