Siguro nga ay magkasama na sina Troy at Sophia ngayon. Naroon sila ngayon sa may penthouse; sa loob ng silid ni Troy. Ano pa nga ba ang maaari nilang gawing dalawa roon? Maglalaro ng X-box? Malamang nagse-s*x na sila ngayon! My heart seemed to tear into thousand of pieces as I left Club Empress. Pa-fall lang siya Elisse! Stop thinking about him! I kept chanting that to myself. Hindi ko lang din talaga akalain na mahuhulog ako nang ganito kalalim kay Troy. Mag-iisang linggo pa lang kaming magkakilala, nahihirapan na akong tanggalin siya sa sistema ko. Hanggang sa makarating ako sa hotel room ko siya pa rin ang laman ng isip ko. Kinabukasan ay naisipan kong maglakad-lakad sa may shore line. Napansin kong may itinatayo na namang isang entablado sa may gitnang parte ng beach front. Abala

