Diskumpiyadong tinitigan ni Jameson si Nadia. Daig pa yata niya ang sinapian ang alien sa paningin nito. “What’s this? Ipinagtatabuyan mo akong makipag-date sa ibang babae? Ikaw nga itong ayaw akong basta pakawalan. Is this some sort of a test?” “No. Naisip ko lang na dapat makapag-relax ka din. Hindi na ka nakipag-date mula nang dumating ka dito sa Pilipinas. Nasa Iloilo naman tayo. This place is romantic. May free time ka naman. Why not make use of it?” Ibinagsak nito ang sarili sa sofa. “Ikaw itong ayaw makipag-date ako.” “Malaki na ang progress mo, Jameson. May personal life ka rin naman. Please. Lumabas ka na. Tatawagan ko na si Chloie?” “Don’t!” Bigla nitong inagaw ang phone sa kanya. “Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko hindi ko gustong makipag-date kay Chloie.” “Fine. Kung ayaw

