Chapter 4

1055 Words
“Tigilan mo na ang katatawa baka kabagan ka." Saway niya kay Ava. Dahil weekend at ang kanyang boss na kapatid nito ay nasa Thailand kasama pang binitbit ang kanyang Kuya Stan, si Sebastian, si Logan Cervantes, pati ang abala na doctor na si Kai. " Sira ulo talaga ang Kuya mo." Sabi niya. Pagpasok niya kinabukasan nasa labas na ng opisina nito ang table niya. Baka tuluyan daw mawala ang appetite nito sa babae. " Hindi pa din nun makalimutan na sinapak mo siya." Natatawa nitong sabi. " Hindi ba natatakot ang Kuya mo magka AIDS? Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya, Aidan. Aha! Hindi na tipaklong ang itatawag ko sa kanya. Aids na, it suits him." Pinagkiskis pa niya ang mga palad sa naisip. Para bang isang malaking discovery ang kanyang nagawa. " Kumikita ang company ng condom sa kanya." Singit ni Iris ang pinsan ni Ava. " Walang pagkalugi lalo na nagsama sama silang mga magkakaibigan." Komento niya. Hindi mo naman masisi ang mga babae, dahil sila lang ang iilan na pinagpala ng magandang mukha, pangangatawan at karangyaan sa buhay. Hottest bachelor and every girl's dream iyon ang bansag sa mga ito pag na fe featured sa mga magazine. " Czesta, bakit wala kang kibo diyan?" Untag ni Ava sa dalaga na nakatitig lang sa inumin. " Mommy will send me to Boston. Doon na ako magtatapos ng pag aaral." Sabi nito, na halata ang lungkot. " Bakit kasi naka ilan ka nang kurso? Pangatlo mo na ba?" Tanong naman ni Iris dito. Tumango ito. " I can't still figure out what I really want." Sabi nito at sinamahan pa ng malalim na buntong hininga. " Anong nakapagtataka? Kahit sa lalaki hindi ka makapili." Natatawa na sabi ni Ava,bilang beauty queen ang dami nitong manliligaw. " Si Sebastian kasi lagi na lang may pasabog sa mga manliligaw ko." Sumimagot ang maganda nitong mukha sa pag banggit sa pinsan. " Bantay sarado ba?" Nakangisi na sabi ni Iris. Hindi nagtagal dumating din sa high-end bar si Scarlet at Lavin.Lahat sila tumirik ang mga mata dahil sa nakasunud ditong mga bodyguards. " Pero ano ang gugustuhin mo, si Sebastian ang magbantay sa iyo or tulad ng dalawang iyan?" Tanong niya kay Czesta. Ngumiwi ito at umiling. "Hello, girls." Bati ng dalawa at agad uminom ng tequila pag upo sa kanilang table. " I'm sorry girls, I can't go out without them." Hingi ng paumanhin ni Scarlet. " We understand." Aniya na lang dito. Masyadong protective ang magulang nito, ito at si Lavin ay muntik na ma kidnap kaya hindi ito lumalabas ng walang bodyguard. " Let's start our game since kompleto na tayo." Malaki ang ngisi na sabi ni Ava. Ito ang promotor ng lahat nang kalokohan. " Game!" Sabay sabay nilang sabi. Hindi niya alam kung anong punishment na naman ang naiisip nito. Pinaikot nito ang isang empty bottle ng alak. Lahat walang kumukurap kung kanino ito matatapat. " Truth or dare?" Nakangisi na sabi ni Ava kay, Lavin. " Dare!" Matapang nitong sabi, at muling uminom ng matapang na alak. Marahil pampalakas ng loob upang magawa ang ipapagawa ni Ava. Tumayo ito at ginala ang paningin. Maya maya pilya itong ngumiti. " Did you see that guy? Kiss him!" Turo nito sa isang lalaki na nasa bar counter at mag isang umiinom. Hindi nila kita ang mukha pero malaki itong tao. Papasa itong maging NBA player o kaya sundalo. " Must be huge!" Sabay sabay nilang sabi. Napalunok laway naman si Lavin. Alanganin itong tumayo, pero kung hindi nito magagawa mas malala ang magiging punishment nito. Lahat sila nakamasid dito. Lumingon pa ito sa kanila bago tuluyang lumapit sa lalaki na nakatalikod. Lahat sila napahawak sa dibdib ng lumapit ang labi ni Lavin dito. Pero hindi nila inaasahan ang paghapit ng lalaki sa dalaga ang simpleng halik ay naging madiin. They don't know how Lavin can breathe. Kasi sila na nanood ay hindi makahinga sa klase ng halik na pinagsaluhan nito. " Damn that was hot!" Reaction nila, sa halikan nito sa stranger na lalaki na iyon sa bar. Pagbalik ni Lavin sa kanilang table, hawak hawak nito ang dibdib. Inabutan nila ito ng alak, na straight naman nitong ininom. " Gosh, he almost took my breath away." Anito matapos maibaba ang shot glass. " Spin that damn bottle." Utos nito na ginawa naman niya. At natuon naman ito kay Iris. Ngumisi lang ito kasi isa ito sa competitive sa kanila. She's in navy tulad ng kanyang ama. " Show what you got Iris. Hit the dance floor." Utos naman ni Lavin dito. Hindi ito nagdalawang isip ng mag sayaw sa gitna ng dance floor. Later they watched her dancing in hip hop music at napapagitnaan ng mga nag sasayaw. Malaki ang ngiti nito ng bumalik sa kanilang table. " Mas nalasing yata ako lalo." Sabi nito at hinawakan ang bote para paikutin. Pero bago pa ito umikot may humawak na sa bote. " Kung gusto ninyong umuwi ng maaga sige paikutin ninyo pa ang bote." Si Sebastian na masama ang tingin sa kanila. " s**t! What are you guys doing here?" Sabi ni Ava sa mga lalaki na nakapalibot sa kanila. " Anong ginawa mo sa private plane ko? And why it is not working and no pilot available?" Galit na sabi ni Aidan sa kakambal. " Wala akong alam sa sinasabi mo, and by the way, Dia got a new pet name for you." Pag iiba nito sa usapan pag iwas na din sa galit na nakikita sa kapatid nito. " Wala akong pakialam." Panunuplado nito sa kakambal. Na bahagya siyang tinapunan ng tingin. Inirapan naman niya ito. " Kanta na lang tayo." Pag yaya ni Lavin at hinatak sila sa stage na andun. Kilala na sila sa bar na iyon. Siya sa keyboard, si Lavin ang kanilang singer na namana ang talento sa ama, hindi lang nito natuloy ang pagiging popular dahil sa kidnapping incident nito. Si Czesta sa drums, at si Ava sa guitar. Sigawan sa buong bar ng magsimula silang tumugtog. Hindi nila masisi ang inggit sa mga kababaihan, makukuha nila ang gusto nila sa kanilang status sa buhay. At with their pretty face, umaasam ang mga lalaki na mapansin nila. At suntok sa buwan, if they want them to share a bed with them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD