" Good morning sir Aidan!"
Napa angat siya sa kanyang table, at nilingon ang dalaga. Pinasadahan ito ng tingin.
" Anong maganda sa umaga, Dia? Bakit nauna pang pumasok ang boss mo kesa sa iyo? At ano naman ang trip mo?"
" But I'm not late, you just came early."
Palusot nito sa kanya, she smiled wickedly habang ibina bandera ang long skirt nito at blusa na turtle neck. Different from the girl last weekend in the bar. She's hiding her hazel brown eyes sa eyeglasses nito.
" Lumabas ka na Dia. Nawawalan ako ng gana sa mga babae pag nakikita ka."
Tumawa ito ng malakas sa kanyang sinabi.
" Wow, I didn't know capable ka pala mawalan ng gana sa mga babae. Akala ko kahit poste pinapatos mo."
" Kaya ko patusin ang poste na me palda, pero umuurong ang libido ko sa presensiya mo, Dia. Now go out, kung wala ka ng sasabihin."
Pagtataboy niya dito.Gusto niyang itago ang kislap ng mga mata sa presensiya nito.
" Boss Aidan na malapit na mag ka Aids. Maaga akong uuwi, me date ako!"
Galit nitong sabi, hindi niya alam kung saan mag re react. Sa Aids o sa date na sinabi nito.
Bago ba siya makahuma, malakas na sumara ang pinto ng kanyang opisina.
Inaasahan niya babalik ito makalipas ang ilang oras para mag pa pirma ng mga memo, pero walang itong paramdam.
Nag dial siya sa intercom.
" Yes, boss!"
Sagot naman nito, nakahinga siya ng maluwag akala niya basta na lang umalis ito sa pwesto nito. It's easy for Dia Golda Saavedra. She's a breath of fresh air. Kung ang mga babae na nakakasalamuha niya, they offer them their body without hesitation. Ang dalaga ay kabaligtaran ng mga ito.
" I need coffee, pagtimpla mo ako."
Pagkasabi niya agad niya ibinaba ang intercom. Baka tulad sa una niyang utos dito na siya din ang gagawa.
He waited pero walang Dia na pumasok, hindi niya napansin na halos mag kinse minutos na.
Tumayo siya sa desk at balak puntahan ang dalaga.
Hustong pagbukas niya siya naman pagtulak ng dalaga sa dahon ng pinto. Na off-balance ito at ang hawak na mainit na kape at tumapon sa kanya.
" Damn it!"
Napasigaw siya sa init at literal na naligo siya ng kape.
" Oh my God."
Nagmamadali itong tinulungan siyang, hubadin ang kanyang polo shirt, me kinuha itong panyo sa bulsa at pinunasan ang kanyang dibdib at tiyan na namumula dahil sa mainit na kape.
" I'm so sorry Aidan. It's an accident, you know that!"
Sige ang punas nito, kaya ibinaba din niya ang kanyang slacks, leaving only his brief. Sige pa din ang pagpunas nito sa kanyang hita.
" Gusto mo bang hindi na mapakinabangan ang alaga ko, Dia?"
Angil niya dito, patuloy pa din itong nag pupunas sa kanyang hita. Hanggang tumigil ito at namumula ang mukha. Umatras ito ng bahagya, pero nakatitig ito sa kanyang katawan.
" Do something, Dia!"
Utos ko sa kanya, namumula ang nabanlian but definitely it will not cause a burn.
" Damn you, I didn't mean it! It's an accident!"
Ganting angil nito. Pumasok ito sa banyo at kumuha ng basang hand towel at muling bumalik.
" s**t really happens!"
Bulong bulong ito habang, dinadampian ang namumula kong balat. Pero agad na tumama sa mukha ko ang hand towel.
" Tipaklong ka talaga!"
Sigaw nito at nag mamadaling lumabas ng opisina. Naiiling na lang ako dahil hindi din naman niya sinasadya na ma arouse din sa ginagawa nito.
Pumasok siya ng banyo at nag shower, he smells like coffee. Kinuha ang first aid kit at nagpahid ng cream. Mabuti na lang me spare siyang damit dito sa opisina. Meron itong maliit na room, na meron siyang ilang personal na gamit. Isang maliit na kama na kasya lang sa isang tao ang nandun, na never pa niyang nagamit.
Paglabas niya nasa loob ang dalaga, malinis na ang opisina. Maging ang kanyang damit ay naka tupi na.
"It's an expensive suit. I will replace it."
Sabi nito, hindi gaano makatingin sa kanya.
Hindi siya nagsalita at umupo na lang sa kanyang swivel chair.
" Dahil sa ginawa mo, nagka phobia na ako sa kape. At pag me nangyari sa alaga ko. Panagutan mo ako Dia!"
Sabi ko dito na agad nag angat ng tingin sa kanya.
" Anong mangyayari diyan sa alaga mo? Kani kanilang buhay iyan?"
" Tsk, hindi pa iyon buhay Dia para sabihin ko sa iyo. Kaya magdasal ka na that nothing will happen. Kasi pagbabayaran mo ng mahal ang ginawa mo."
Napangiwi ito sa sinabi ko.
" I know, iyan ang most precious mong property, ang kaligayahan mo and all. Pero wala nga akong kasalanan."
Muli nitong diin sa aksidente na nangyari.
" Then explain, why instead of making me a coffee you have to order in a coffee shop."
" It's convenient."
Tumaas ang kilay niya sa sagot nito.
" Convenient? O ayaw mo lang akong ipagtimpla?"
Matiim ko siyang tinitigan didn't know she is this pretty. Hindi mo pag sasawaan na titigan.
" Secretary kita, Dia. And I'm your boss. Gusto mo ba ibagsak kita sa probationary period mo."
" I'm sorry, okay?"
Pinandilatan niya ako ng mata parang gilgil na siya sa akin.
" Sorry is not enough. Samahan mo ako mamaya. I have a dinner meeting."
Bahagya lang itong tumango sa sinabi ko.
" Magkita na lang tayo sa Santillian Hotel mamaya. We're going to meet, some Brazilian investor."
" You will not see a doctor?"
Parang alanganin na tanong nito, pilit na itinatago ang pag aalala.
" I can ask hundreds of doctors to come here if I need one. Don't worry."
" You misunderstood. Gusto ko lang malaman if you are really okay. Malay ko ba kung ano balak mong gawin sa akin, kung maging impotent ka."
" Ano ba ang naiisip mo?"
Na curious ko din na tanong dito, kasi wala naman siya naiisip.
" Kailangan na pakasalan kita dahil wala ng magpapakasal sa iyo?"
Parang pinipigil nitong huminga habang sinasabi iyon.
Hindi niya napigilan ang matawa sa sinabi nito.
" Bakit magpapakasal ka ba sa isang impotent, Gintong Araw?"
Nakangiti pa din niyang sabi dito, na halata ang inis dahil sa ginawa kong pagtawa at ang hindi ko maitago na amusement dito.
" No!"
Anito at nag martsa na itong lumabas ng kanyang opisina.