Chapter 66 Dalawang linggo ang matulin na lumipas. Back to normal na ang buhay ni Lia. Nandiyan na ulit ang Mama at Papa niya. She missed them badly kaya naman hindi siya nagpapasaway. Wala ng Gino sa paligid niya. Pero sa loob-loob ng dalaga back to normal nga ba ang lahat kung may pitak na naiwan ang binata sa puso niya? Si Francis? Well, they remain good friends. Pero si Jane? Kailan ba naman iyon nawala? Ah ngayon-ngayon lang, hinahanap niya nga, eh. Pagkatapos kasi ng klase bigla na lang siya nitong iniwan ng walang pasabi. "There you are!" bungad niya sa kaibigan nang makitang nakatambay ito sa garden ng school. Favorite spot nila iyon. Nilingon naman siya nito at alanganing ngumiti. "O bakit magkasama kayo?" usisa niya nang makita niyang hindi pala ito nag-iisa, kasama nito

