Chapter 56 "What are you staring at?" buska ni Lia kay Carlo habang nakapangalumbaba siya sa terrace at nakatanaw sa kawalan. "Like seriously i'm not staring at you hindi pa ko natotomboy ‘no! But actually i'm just wondering kung bakit ka ganyan?" kunot noong saad nito. "Like what?" walang latoy na tanong niya. "Mukha kang negosiyanteng nalugi. Parehas kayo ni Kuya." bulalas nito kaya umiwas siya ng tingin. "Baka ‘yang kuya mo may problema. Ako wala." "Ows? Napapansin ko kasi hindi kayo nagpapansinan." "Ano naman ngayon?" Tama naman si Carlo ilang araw na talaga silang hindi nagpapansinan ni Gino. At wala rin siyang balak na pansinin ito. "O huli! Eh, di may problema nga kayo?" "I-Ibig kong sabihin big deal ba kung magpansinan man kami or hindi?" kaila niya pa rin. Mabuti na nga

