Chapter 87 "Kung babalik siya, patatawarin mo na ba? Pakikinggan mo ba ang side niya?" tanong ni Jane kaya tumango siya. "Ito rin kasi ang mahirap sa'ting mga babae. Mga assumera. Kapag galit hindi na marunong makinig at paniniwalaan na lang ang nakita ng mga mata at nagiging bingi naman ang mga tenga para sa explanasiyon pero naturalesa na yata natin ‘yon, eh? Hays." palatak pa ni Jane habang naiiling pa. "J-Jane si Gino. Babalik pa ba siya?" sinisigok na tanong niya. Alam niyang napakapathetic ng tanong niya pero kailangan niya pa ring itanong para mabawasan ang mga tanong sa utak niya. Napabuntong hininga ito. "Pare-pareho nating hindi alam ang sagot sa tanong na ‘yan. Ikaw sa tingin mo babalik pa ba siya?" "P-Pwede ko kaya siyang sundan doon?" "Grabe Lia, inlababo ka talaga!

