Chapter 75 Pagkatapos nilang kumain inumpisahan na nga ang games. Una na ang trip to Jerusalem. Gitgitan silang apat kasama ang ilang mga bata para makaupo sa upuan. Unang na out si Terrence at naghost na lang ito ng party. Sa ikalawang pag-ikot tulakan sila ni Jane at naunahan siya nito sa pag-upo kaya lumipat siya sa isa pang bakante pero may nakauna pa rin sa kanya. Si Francis! Kaya napakandong siya sa binata! "Do the moves pare!" pang-aasar ni Terrence habang nakamicrophone pa kaya hiyawan na naman ang mga bata sa panunukso sa kanila! Mabilis siyang tumayo. At dahil out na siya tumulong na lang siya sa pagbibigay ng prize. Sa huli nagpatalo rin sina Jane at Francis para ang mga bata na lang ang maglaro at makakuha ng premyo. Sumunod na laro ang hanapan ng piso sa palanggana na na

