Chapter 73 "Kaya pa ba ng powers mo ha, Kuya?" tanong sa kanya ni Carlo habang nasa airport sila at hinihintay na tawagin ang flight number ng mga ito. Paalis na kasi ang mga ito ni Shirley, kaya ihahatid niya ang mga ito. "Kakayanin." maiksi at pilit ang ngiting sagot niya. Siyempre pa si Lia ang pinag-uusapan nila. Lalo na ang ginawa nitong pagtataboy sa kanya. Pakiramdam niya tinapak-tapakan nito ang puso niya nang tapak-tapakan nito ang bulaklak na ibinigay niya rito kagabi. "Kung gusto mo, sumama ka muna sa atin palamig ka muna." halata ang simpatya sa boses na alok ni Carlo. "Wag na, nagsisimula pa nga lang ako susukuan ko na agad?" "Basta kuya Gino isipin mo na kaming mga babae kapag galit minsan kabaliktaran ang sinasabi." dagdag ni Shirley. "What do you mean?" "Iyong

