Chapter 81 "Lia, ano ng plano mo sa darating na Graduation Ball natin?" halatang excited na tanong ni Jane habang nakatunganga siya sa kawalan at hindi magawang sumubo man lang ng lunch na inorder niya. "Whatever..." lutang na sagot niya. "Whatever? Ano ba namang klaseng sagot ‘yan?" "Eh, ikaw ano bang meaning ng whatever para sa'yo?" "Marami. Like ewan, wapakels, basta and etchetera! At para sa akin ‘yan ang pinakapanget na sagot kasi pinapakita mo lang na wala kang interes sa isang bagay kapag 'yang whatever na ‘yan ang isinagot mo." "H-Hindi ba yes ang ibig sabihin no’n?" naguguluhang tanong niya na ikinatawa nito. "Haha like seriously kailan pa naging yes ang meaning ng whatever?" "S-Sabi ni Gino." alanganing sagot niya. Napamulagat tuloy ito. "Nag-uusap na kayo?" gulat na tan

