Chapter 70 "Ano ka ba naman brother, will you stop nga nahihilo na ko kapapabalik-balik mo!" saway ni Carlo habang paroo't parito ang paglalakad niya sa harapan ng mga ito. "Oo nga Kuya Gino you seems so bother, why?" ayuda ni Shirley. "Si Lia kasi." aburidong sagot niya at pahinamad na ibinagsak ang sarili niya sa sofa na katapat ng mga ito. "What about Lia?" "M-Makipagdate na. Alas tres ng hapon ang date nila. Parang sinadyang iparinig sa’kin no’ng kadate niya na may date sila ni Lia. Nang-iinggit yata ang loko at wala akong magawa para pigilan siya!" himutok niya. Araw ng Sabado ibig sabihin ngayon ang date ng dalaga kay Francis. "Iyon lang ba talaga ikinaiinis mo?" tanong pa ni Carlo saka ibinaba ang magazine na binabasa. "Tsk nagseselos ako. Dapat akin lang siya. Kaya lang wa

