Chapter 94 "Italiannis, Red Lantern, Steak house, French baker-" "Jollibee!" putol niya kay Gino na iniisa-isa ang mga fine dining restaurant. Nanlaki ang mata nito. Tinatanong kasi siya nito kung saan raw niya gusto magdinner. "Ano’ng Jollibee? Hindi laro 'tong date natin." tanggi nito. "Basta! Gusto ko ang chicken do’n!" giit niya. "Gusto mo lang do’n kasi do’n kayo nagdate ni Francis." busangot nito. "Hindi chicken lang talaga ang gusto-" natigilan siya nang marealize ang sinabi nito. "Paano mo nalaman ‘yon? Sinundan mo ba kami?" kastigo niya pa sa binata. Napangiti ito ng alanganin. "Medyo." pag-amin nito. "Ikaw ang bumato ng coke-in-can sa kanya ‘no?" tanong niya nang maalala ang weird na pangyayaring iyon kay Francis. Tumango ito habang natatawa. Napingot niya tuloy ito sa

