"So the first year representative for Mr and Mrs Intramurals is Mr. Gerald Colarne for the boys..."
Naghiyawan agad ang mga kaklase ko at tinulaktulak yong Gerald. Psh! Hindi naman gwapo! Matalino nga lang!
"Yon oh! Sure win na tayo!"
"Sa question and answer, sure na sure na talaga! Pero gwapo naman pag naayosan!"
"Dapat si Marvin yon! Sure na sure talaga, mula sa pag rampa patungog question ang answer!"
"Tangina mo!"
"Tama! Tama! Dapat si Marvin yon! Sos"
"Mga gago kayo!"
I sigh. Halatang pinagt-tripan lang yong Marvin! Sya kasi yong pinaka makulit rito, palaging napapagalitan ng professor, minsan lang pumasok tapos palaging bagsak!
"Okay, pati si Marvin mag a-audition, i-lilista ko din" Ani ng president kaya mas naghiyawan ang klase.
Napapikit na lang ako dahil sa inis. Am-p-puta!
"And any suggestion kung sino pang i-sasali?... Pipilian pa lang naman ni Dean kaya okay lang kung ilan ang isasali"
"Okay na yan!"
"Final na yan!"
Sabay sabay nilang sabi. Pinagbabatokan naman nong Marving ang mga kaibigan nyang tawa ng tawa.
"And for our Mrs Intramurals representative, ofcourse...obvious naman kung sino ang pinakamaganda rito...Alyza Blyn Clavite..." nakangiting sabi ng president namin.
"What?...Wait! Me? No, no! I'm not joining!" Marahas kong reaction.
I am not into pageant! Noon pa man! Hindi ako sumasali sa ganyan dahil tangina! Ayoko!
I have beauty! But I am not sure in brain! Ayokong mapahiya! Putanginang yan! Baka kapag hindi ko masagot ang question pagmumurahin ko lang ang mga judges eh.
"Hindi naman Blyn, pipilian lang kayo ni Dean, hindi ikaw mismo ang mag r-representative ng department natin, kumbaga audition pa lang" mahinahong sabi ng president.
Matinding iling ang ginawa ko dahil ayoko talagang sumali sa mga ganyan ganyan! Tangina yan!
"Sige na Blyn! Exempted sa exam kapag may sinalihan, take note, sa lahat ng subject kaya pumayag ka na!"
"Oo nga Blyn! Matalino at maganda ka! Sure win talaga, ang dami mong benefits makukuha kapag nanalo ka"
"Tama! Tama! At susuportahan ka naman namin! Tapos kami bahala sa lahat, ang tanging gawin mo lang ay maglalakad sa stage!"
"Tama! Kaya sige na Blyn! Sumali ka na! Susuportahan ka naman namin! Sige na Blyn!"
Kumbense nila sa akin, kumunot lang ang noo ko dahil nagdadalawang isip na kung sasali ba o hindi. Exempted raw sa exam eh at sa lahat pa ng subject! Hindi na ako mahihirapang mag-aral pang mag-aral na ayokong gawin!
"Exempted sa exam?" Palilinaw ko. Ngumiti naman ang president namin.
"Yes, yan talaga ang mangyayari kapag may sinalihan ka, lalo na kapag ikaw ang nanalo" nakangiting sabi ng president namin.
Malakas akong bumuntong hininga at tumango kahit hindi pa buo ang desisyon, everyone scream like crazy. Napatakip na lang ako sa tainga dahil sa ingay nila.
"Ayosin mo Marvin para ikaw mapili! Crush mo ang kasali!"
"Tama Marvin! Bagay kayo ni Blyn! Para kayong choco na gatas!"
"Putangina nyo! Ipahiya nyo pa ako!"
"Hoy! May Jowa na ang Blyn namin! Baka isang suntok lang kayo ni papa De Lara, tulog na kayo eh!" Sigaw ng Bakla!
"Wala sa katawan at mukha yan! Nasa diskarte yan!"
"Mga jejemon!"
Natampal ko na lang ang noo ko sa mga pinagsasabi nila! Mga abnormal!
Pagkauwi ko sa bahay. Tumawag agad ako kay Mommy para sabihin na sasali ako sa pageant para sa intramas. Gulat na gulat na naman sya at pinagsigawan talaga sa bahay namin! Feeling ko nga pati kapitbahay sinabihan nya.
"Okay! Okay! I will contact our designer and I will choose your gown tomorrow, then I will contact our make up artist! Ipapadala ko rin yong limousine natin para hindi-"
"Mommy!" Pigil ko sa kanya dahil sumusubra na.
"No, no! I want everything to be perfect! First time mong mag ganyan, I want everything perfect!...Daddy! Your daughter! Oh my God! We needed to cancel our meeting next week, we need to be there...oh my God! Our baby!" Ma dramang sabi ni mommy.Lumaylay ang balikat ko sa inaakto ni mommy.
Hindi naman ako sumali dahil gusto ko! Sumali lang ako dahil exempted raw sa exam! At isa pa, pipilian pa lang kami! Hindi pa ako mismo ang eh r-represent ng department namin.
"Mommy, mag a-audtion pa lang ako" I said lazily.
"Oh Blyn. Your beautiful, sure na akong ikaw ang makukuha! Don't underestimate our genes! Ako noon? I am the Mrs. Intramurals so I believe na ikaw ang mapipili at ikaw ang mananalo" kumpyansang sabi ni mommy. Napabuntong hininga na lang ako.
"Babalitaan ko na lang kayo kung anong resulta, mag a-audition pa ako" sabi ko na lang.
"I will be there! Manonood ako!" Excited na sabi ni mommy.
"Mom! Audition pa lang, huwag na!"
"Your daughter is right! What if she change her mind if you keep exaggerating?" I heard daddy said.
"What did you say? I am exaggerating? Huh?"
Bumuntong hininga na lang ako at pinatay ang tawag! Bahala nga sila! Sana pala hindi ko muna sinabi! Hindi pa naman sure kung ako ang makukuha!
Kinabukasan, sinundo ako ni Joshua na dito pa nag breakfast dahil miss na daw nya ang luto ni Lola, eh ako ang palaging nagluluto rito eh!
"What's with you and Lola?" Hindi ko na talaga napigilang magtanong.
Ang bait bait kasi ni Lola sa kanya! At palaging sinasabi na ang bait nyang bata! Buti nakiusapan yong anak ng mga De Lara, ganito ganyan!
"What do you mean?" Tanong nya habang kumakain.
"Lola is into you. Parang ikaw pa ang tunay na apo kaysa sa akin" Curious kong sabi. He look at me and raise his brow.
"Why? Are you jealous?"
"What!? No!...I'm just curious!" Madiin kong sabi. He chuckled kaya sinamaan ko ng tingin.
"Joshua!" Inis kong sabi dahil sa pagtingin nya sa akin, parang nanunuya.
"Let's says that Lola played a great part in my life and if your worried that we are some sort of cousin, then no. We can still be together" confident nyang sabi.
Muntik ko ng maboto sa kanya ang spoon na hawak ko dahil kung anu-ano ang lumalabas sa bibig! Jusko!
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" Nandidiri ko talagang sabi.
"Why? I am all package. I'm handsome, loyal-"
"Shut up! Shut up!" Irita kong sabi dahil humahangin na naman.
"Your blushing" Aniya. Hinawakan ko tuloy ang mukha. Mas tumawa ang tokmol kaya masama ko syang tinignan.
"Nakakatawa" sarcastic kong sabi.
Nang-asar lang ang tokmol sa akin ng nang asar, akala nya nakakatuwa pero hindi! Ang sarap ngang sipain pero tangina lang! Sayang ang mukha!
"Sige mangasar ka pa!" Inis kong sabi pagkababa ko sa motor dahil ang way ng pagtingin nya sa akin ay nang-aasar! Bwesit na yan!
"I didn't say anything" may tuwa nyang sabi.
"Kung sapakin kita dyan?" Banta ko. He laughed kaya inis kong hinampas ang braso nya.
"Huwag mo akong kausapin-"
"Pre! Pre! Buti dumating ka na! Si Jessa! Sumakit na naman ang tyan! Ayaw mag patulong sa amin, gusto ikaw pre eh! Namumutla na" hingal na hingal na sabi ni Stephen.
I frowned because of what he said!
Ano raw?
Hindi magpapatulong dahil ang gusto si Joshua? Are you freaking kidding me? Ano sya baliw para umaktong ganyan? Gamot ba si Joshua?
"Where is she now?" Seryosong tanong ni Joshua.
"Nasa tambayan natin pre! Kahit anong gawin namin ayaw eh! Kaya hinanap ka na lang namin"
Joshua look at my direction. I shrug and get my bag from his hold.
"Go now, baka mamatay pa yong kaibigan nyo" mataray kong sabi at naglakad.
I heard him curse but in a second, nilagpasan na ako ng dalawa na tumatakbo kung saan.
"Let's see each other later!" Pahabol na sabi ni Joshua.
I roll my eyes.
"Kung makakatakas ka sa babaeng yon" I mumbled.
I am a girl too, I know that kind of bullshit! Creating an excuse para puntahan ng lalaki, kung anu-anong sakit ang dumadapo para maging concern ang lalaki! Sos! Ako pa talaga niloloko nya!
What if nasagasaan sya ng truck sa daan! Ano yon? Hindi magpapatulong dahil gusto nya si Joshua? Amputa! Desperada!
Kung ako sa kanya, nag confess na agad ako, hindi yong marami pa syang pa ligoy ligoy na nalalaman!
"Nakabusangot ka te?... Naku! Huwag ganyan! One hour na lang bago ang audition kaya huwag kang ma bad mood dyan!" Ani ng bakla.
"Gaga! Kahit hindi yan ngumiti, ang ganda pa rin! Ikaw? Kahit ngumiti ka pa hanggang gilagid, hindi ka maganda! Kaya tigil tigilan mo si Blyn! Sapakin talaga kita kapag nag walk out yan dahil inistorbo mo!" Singhal ni Criza sa bakla.
I almost raise my brow dahil sa lumabas kay Criza.
Marunong pa lang makiramdam ang babaeng to! So she understand some of my behavior huh...interesting!
"Aba! Kung makapanglait ka ang ganda mo ah?" Sarcastic na sabi ng bakla.
"Of course! May vigina ako at boobs! Ikaw wala!" Walanghiyang sabi ni Criza. The gay gasp. Napailing na lang ako sa dalawa.
"Nam-mersonal ka na ah?"
"Dapat lang!"
Kinuha ko na lang ang phone ko at inabala ang sarili sa pag scroll scroll sa social media ko! Mas okay pang ganito kaysa makinig sa dalawang abnormal na nagtatalo kahit wala naman ka kwenta kwenta.
Joshua:
I will fetch you later, Blyn.
He texted. Nagkibat-balikat lang ako at hindi nag replay dahil hindi na ako magtataka kung hindi sya makakaalis kong saang pagamotan sila pumunta or sa bahay ba! Hindi ko alam.
Basta ang alam ko! Hindi sya makakaalis roon dahil babanatan lang sya ng babaeng yon na masakit ang tyan ko,masakit ang ulo, na hi-hilo at kung anu-ano pa! huwag mo akong iwan! Amputa!
Basang basa ko ng galawan na yan! Dahil minsan naging diskarte ko na yan! Ngayon ko nga lang napagtanto na ang puta pala ng ganyan galawan! Ang cheap! Putangina!
After our class, kinuyog na ako ng mga kaklase ko patungog AVR para sa audition! Lahat talaga sila sumama dahil susuportahan raw nila kami!
"Kaya mo bang suotin g**g 7 inch Blyn?" Nag-aalalang sabi ni Criza habang nanonood sa akin na susuotin ang heels.
"Yeah" tamad kong sabi.
Sanay naman akong mag suot ng ganito. Kapag kasi may formal party na pupuntahan sina mommy, eh sasama nila ako tapos mga ganitong mga heels ang susuotin ko dahil ito ang babagay sa mga damit ko.
"Sure ka talaga? Mag practice ka muna or ano ba? Hihiling kaya tayo kina ma'am na yong maliit lang ang heels"
"It's okay" Ani ko.
"Sure na talaga yan? As in?"
I nod and stood up. I also tried to walk kaya tumahimik na si Criza.
"Blyn, yong advocacy natin is to preserve cleanliness, to save the mother earth ah?" Ani ng president namin. Tumango na lang ako kahit hindi ko bet ang sinabi nya.
Pinarampa muna kami ng sabay sabay. Basta lang ako naglakad, hindi nag effort na gandahan ang lakad dahil I am confident na maganda na ang lakad ko, after all, this is not a freaking miss universe!
Cheer naman ng cheer ang mga kaklase namin! Kaya hindi ako makangiti dahil naiirita sa kaingayan nila.
"Your advocacy is to preserve cleanliness, to save mother earth, right?" Ani ng isa sa mga prof namin.
"Yes"
"So, how can you preserve cleanliness if you are just a mere students?"
"I will preserve cleanliness through applying the reuse, reduce and recycle and by that we can make a lot of arts like painting, plastic flower, vase, pillow and many more that can be seen all over the world by the use of internet and through that, people will gonna be motivated to be artistic by the use of their trashes, that all thank you"
Sumabog naman sa hiyawana ng mga kaklase ko, tuwang tuwa sa naging sagot ko. I sigh at tahimik na umupo sa may gilid habang nanonood sa iba.
If ever na makuha ako rito, secure na ang mga exams ko, hindi na ako magpapakahirap na mag-aral!
Pinarampa kami ulit bago kami dinismiss, e a-announce lang raw sa GC namin kung sino ang representative ng department namin.
I sigh! Sana lang talaga makuha dahil ayoko talagang mag-aral!
"Let me do that"
Natigilan ako nang nag squat si Joshua sa harap ko at sya na ang nagpatuloy ng pagtanggal sa sandals ko.
"I didn't know that you join...I am so proud, congratulations" he huskily said. Umawang ang bibig ko dahil sa narinig.