Sa lahat ng desisyon kong nagawa sa buhay, ngayon lang ako nagsisi!
"You sure na papasok ka?" Seryoso nyang tanong habang nagsusuklay ako habang sya walang hiyang nakaupo sa kama ko! Feel at home na feel at home ang gago!
"Yeah" Seryoso kong sabi.
Ang hirap mag kunwari rito! Kung anu-anong pinapainom nila sa akin at kung anu-anong pinapahid sa akin!
"You should rest. Na inform na ang mga professor mo at excuse ka na" aniya.
I sigh and glance at him.
"Papasok ako" nakangiwi kong sabi dahil tangina! Kinakabahan ako dahil sa presensya nya! Puta!
"Okay" Aniya.
"Why are you here by the way? May class ka diba?" Mataray kong sabi.
Wow, I am so amaze on myself! Nagawa ko pang mag taray at makipag-usap sa kanya kahit kumakalabog na ang puso ko sa kaba!
"I'm tired" aniya at humiga sa kama ko. Sinamaan ko tuloy ng tingin.
"That's my bed" maldita kong sabi.
"Yeah. Again, I'm tired, later pa naman ang klase mo. Let me rest" aniya at umayos ng higa.
Kunot noo ko tuloy syang tinignan dahil kinakapa ko ang inis na dapat ko sanang maramdaman dahil humiga sya sa kama ko!
Ayaw na ayaw ko pa naman na may humihiga sa sarili kong higaan! But why is it hindi ako nakaramdaman ng inis?
Ano bang nangyayari sa akin? Am I crazy? Na gayuma? What's happening?
"Your shoes! For whosoever sake!" Madiin kong sabi dahil tangina! Wala talaga eh. Wala akong makapang inis!
Malakas akong bumuntong hininga nang hinubad nya ito gamit lang ang paa nya!
I can't take this anymore!
Hindi nga ako pumasok ngayon dahil ayoko syang makita o makasama pero ito sya ngayon, nasa kwarto ko na parang sa kanya kung makahiga.
Nag martsa ako papalabas! Magbibihis pa sana ako ng uniform pero nasa loob sya kaya tangina lang!
"Oh? Ayos ka na?" Bungad ni Lola.
"Opo, papasok po ako mamaya-"
"Aba! Baka kung ano pang mangyari sayo sa skwela! Bukas ka na pumasok! Alalang alala ang mommy mo sayo! Kaya tumigil ka dyan" galit na ani ni Lola!
"Okay na po talaga ako-"
"Tumigil ka dyan Blyn! Baka mapano ka pa! Bukas na!" Madiin nyang sabi.
Napangiwi na lang ako at dumiritso na lang sa kusina para uminom ng tubig!
Stress na stress na ako ngayong araw! Nakakabwesit na!
Bakit ba kasi ganyan sya? Bakit ba pinaparamdam nya sa akin ang ganito? Nakakabaliw! Nakakatanga! Nagiging sinungaling pa ako! Bwesit na buhay naman to.
Uupo na sana ako nang pumasok si Lola na nagtatalak na naman kaya malakas akong bumuntong hininga at bumalik sa kwarto.
Kapag talaga nandito ako, hindi titikom ang bibig ng matanda na yan! Kahit tapos na ako sa mga task ko, talak pa rin sya ng talak ng kung anu-ano. Hindi ko na sya maintindihan.
Pagkapasok ko sa kwarto. Mahimbing na ang tulog ng tokmol.
Umiwas na lang ako ng tingin para hindi na madagdagan itong nararamdaman ko!
I boredly sat down on my study table at nanood na lang ng movie sa laptop ko.
Ayaw akong papasokin ni Lola eh. Edi hindi pumasok! Kung may sasakyan lang talaga ako ngayon, matagal na akong nakaabot sa kung saan saan eh!
Malakas akong bumuntong hininga dahil hindi ko maintindihan ang pinapanood ko! Gustong-gusto kong lingunin sya sa kama ko pero ayoko dahil feeling ko kapag lumingon ako, wala na talaga ako!
Bakit ba umabot ako sa puntong to? Ano bang nakain ko?
I sigh heavily at inis na kinuha ang phone ko at nag scroll sa social media ko.
Francis Jade:
Blyn where are you?
Francis Jade:
Bakit hindi ka pa pumapasok?...I know your mad pero pasensya ka na, pinagsabihan ko na si Leya, she's sorry too.
Francis Jade:
Hoy, nasaan ka na ba? Bakit hindi ka pa humabalik?
Francis Jade:
Blyn, pumunta ako sa inyo pero sabi ng kasambahay, nasa kay Lola mo daw ikaw?
Francis Jade:
Hey, I'm sorry talaga sa ginawa ni Leya...Galit na galit lang kasi sya, alam mo naman yon kapag galit.
Francis Jade:
Blyn, mag replay ka na oh. Sabi ng kaklase mo, malapit na midterm nyo. Saan ka na ba?
Malakas akong bumuntong hininga at nag out sa f*******: dahil mas na stress ako dahil sa daming messages ni Jade!
Putangina kasi nong girlfriend nya! Kung hindi ako sinugod! Hindi sana ako nandito ngayon! Hindi sana ako mababaliw kakaisip kung anong nangyayari sa akin kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tokmol na natutulog sa kama ko!
Ang kapal kapal ng mukha! Feel at home na feel at home talaga rito! Palibhasa kasi paborito sya ni Lola!
I sigh again and decided to go to the park.
Hindi ko kayang manatili rito! Ayokong manatili rito kapag alam kong nandito ang lalaking to! Para akong sinasakal na hindi ko mapangalanan.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong na naman ni Lola. Lalabas pa lang eh.
"May bibilhin lang" Bored kong sabi.
"Aba! Romarason ka pa para makagala! Alam naman nyang masakit yang puson nya!" Pagalit nyang sabi.
I sigh.
Kapag ako napuno dito sa matandang to! Puputulan ko na to ng ulo! Bwesit na to.
"Saglit lang ako la. Dyan lang sa may tindahan" mahinahon kong sabi kahit umiinit na ang ulo.
Kung pinaalis nya pa yong lalaking makapal ang mukha na natutulog sa kwarto ko, hindi ako labas ng labas sa bahay! Pero putangina! Hinayaan nya lang eh!
Akala ko ba conservative sya? Na makaluma?
Kahit ganito ako, alam ko rin kung ano ang tradition before. Na dapat ang mga lalaki hindi hinahawakan ang babae, kapag manliligaw dapat sa bahay talaga, hihingin amg permeso ng magulang! Hindi makakapunta sa bahay ang lalaki kapag walang pahintulot, lalong-lalo na sa kwarto ng babae tapos ngayon? Pinatuloy nya?
Putangina naman nitong si Lola! Hindi ko alam kung abnormal ba o abnormal ba talaga!
"Hala sya sige! Kapag ikaw, ngumangawa na naman dahil masakit ang puson, pipiktusan talaga kitang bata ka!" Banta nya.
Napalabi na lang ako at dahan dahang lumabas.
Hindi ako natatakot sa banta nya! After all hindi naman totoo na masakit ang puson ko! Mas natatakot pa ako sa sarili ko kapag magkasama kami ng tokmol na yon doon sa kwarto ko.
Nag muni-muni lang ako sa park habang kumakain ng kung anu-ano and at the same time naghahanap ng sagot sa mga katanungan ko.
My phone rang. Binaliwala ko agad dahil baka yong tokmol na naman ang tumatawag o di kaya yong bwesit kong bestfriend noon na kinukulit ako.
I am so stress already! Gulong g**o na ako sa sarili ko! Ayoko ng dagdagan dahil tangina lang! Nakakabaliw! Bwesit na yan!
Dati naman hindi ako nagkakaproblema ng ganito! Ni wala nga akong paki sa mga lalaki! Basta feel kong landiin, nilalandi ko at kapag na turn off wala na agad! Pero ngayon? Iwan ko! Nakakabaliw!
Gusto kong masulosyonan tong pakiramdam na to! I need a diversion!
Yes! A diversion!
Agad kong kinuha ang phone ko at nag search kung ano ang dapat gawin para mawala tong nararamdaman ko!
Hindi ko kasi alam kung anong gagawin at wala akong masabihin kaya might as well si Google na ang sumagot.
Napakunot ang noo ko sa mga lumabas sa internet.
Instead of trying to get over it, feel your feelings deeply, understand it, and be intimate with it.
"Puta!" Malutong kong sabi at nag scroll ng iba.
Ano bang klaseng advice yan Google! Walang kwenta!
Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko, ipaintindi nya pa sa akin ang nararamdaman ko.
Getting rid of your feelings is useless, if he or she is destined to be with you, you cannot do anything about that one.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa nabasa ko.
"Ano ba naman to!" Inis kong sabi.
Bakit gusto mong mawala ang nararamdaman mo? Kung pwedi namang e enjoy?...Try mo, promise you will became the happiest person in this lifetime...Thanks me later.
"Mukha mo!" Gigil kong sabi.
You're trying to get rid that feelings of you because you can not accept that you fall the unexpected person
Tumaas ang kilay ko.
"Hindi rin" I mumbled.
Getting rid of your feelings because you are afraid that he or she can't love you back. Try to confess.
"The hell!" Inis kong sabi.
If you can't accept your feelings and your trying to get rid of it...I promise, you will end up to each other.
"Bwesit na yan!" Inis ko ng sabi at padabog na nilapag ang cellphone.
"What happened to you?"
Mabilis akong napaayos ng upo at umangat ang tingin kung sino ang nasa harap ko.
"What are you doing here?" Marahas kong tanong.He frowned and sat down.
"Lola is worried, hindi ka kaagad nakauwi"
"Yeah, yeah, Lola is worried, Lola asked you to look at me. Ito na, uuwi na. Letche" inis kong sabi at nagdadabog na umuwi ng bahay.
I wonder kung lalapitan ba ako nito kong hindi sinabi ni Lola! Sasamahan ba ako o ihahatid ba ako?
Tangina!
If ganyan ng ganyan ang eh aasta nya! Kawawa ako nito sa huli! He just do what my Lola's favor! At ako lang tong tanga na nahulog sa kanya.
Putangina talaga!
"Hey...What's wrong?" Habol nya sa akin. I frowned at masama syang tinignan.
"Don't talk to me" inis kong sabi.
He frowned and look at me straight to my eyes. Binabasa ako kaya ang ginawa ko, inirapan ko sya at nilagpasan!
Matalino pa naman tong lalaking to baka mahalata nya pa nalilito ako sa nararamdaman ko sa kanya! Shutangina!
Humabol sya sa akin at hinarangan ako.
"What did I do?" Confuse nyang sabi.
I scoffed.
Hah! Hindi nya alam kung anong ginawa nya? Tangina! Unbelievable!
Ano tong nararamdaman ko ganon? Sarili kong kagustuhan? Hah! Litong lito na nga ako at gustong-gusto ko ng mawala ito but Dammit! Kahit pag sagot sa mga tanong ko, Hirap na hirap ako. Tangina lang.
"Don't talk to me!" Mariin kong sabi.
"Why?"
"No reason" Ani ko at nilagpasan nya pero ang kulit ng tokmol. Humabol na naman.
"Is this-"
"Don't talk to me" mataray kong sabi.
Kitang-kita ko ang pagkalaglag ng panga nya. I rolled my eyes at nilagpasan na sya ng tuluyan.
And the weird things that happened again for the first time in my existence is....I felt guilty about what I've acted!
He's so good on me, he treat me like a princess and yet ganito ang sinukli ko sa kanya!
Am I crazy?
And then again and again, ginawa nya lang yan sa akin dahil inutos nila Lola.
Sinabi ni Lola, hiniling ni Lola, puro Lola ng Lola! Putangina! At dahil Lola sya ng Lola! Here I am, nababaliw na kaka isip kong anong nangyayari sa akin! Gago!
Hindi sya umimik nang kinuha nya ang mga gamit nya. He just glance at me and sigh heavily.
"I have something to do...Your medicine and food is here. Take care" plain nyang sabi.
Hindi ko sya kinibo at and it makes me sad! Dammit!
Why am I feeling this way? Ano bang nangyayari?
This is not me, I am not like this! What's happening right is bullshit but it makes me sad! Ang bigat bigat sa dibdib!
Tangina.
Malakas akong bumuntong hininga at sinundan si Joshua.
"Pagpasensyahan muna iho, ganyan talaga ang mga babae kapag may dalaw"
"Kaya nga po la eh. Ang sungit sungit pero okay lang na mag sungit sya kaysa mamilipit sa sakit"
Napatigil ako sa pagbaba dahil sa narinig.
What he said made me blush! Para ring humataw ang puso ko dahil sa sinabi nya. The f**k!
Despite on what I've said and what I've acted towards him! Ganyan pa rin ang mga iniisip nya! Concern pa rin sa akin!
"Oo nga iho. Nag abala ka pang pumunta rito para eh check yong batang yon"
"Naku Lola, nasanay na kasi akong sinundo yon at buti na lang pumunta ako rito or else hindi ko malalaman na ganyan pala ang kalagayan nya"
Natulala ako sa narinig.
Hindi sya pumunta rito dahil sinabi ni Lola?