00005

2065 Words
Once someone said something that will get the attention of everyone, it's spread like a wilde fire kahit na hindi totoo ang sinabi! Nakakainis! I am now known at school that I am his girlfriend! Nag conclude pa sila na kaya ako nakapasok sa school kahit super late na dahil kay Joshua na yon! Bwesit! Gustuhin ko mang mag absent dahil bwesit na bwesit ako sa mga chismosa at nanghuhusgang mga mata ng mga tao roon! Hindi pwede dahil isa yan sa mga condesyon ni Mommy!...Na dapat wala akong absent. What the heck! Bakit ang miserable ko ngayon!? Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Aaminin ko na napakapasaway ko! Pero grabe na naman to! Hindi na to makatarungan! Unfair na unfair na ito! Pero! Hindi naman magiging ganito ka stress rito kung wala yong lalaking yon! Nakaka bwesit! Palaging sinisira ang araw ko. Palaging namb-bwesit! The rumors on me and him having a relationship! Parang wala lang sa kanya! Ang peaceful pa nya titignan kapag naglalakad sa hall way sa school! Nakakainis! Nagp-pasalamat na nga ako dahil si Lola, hindi na kagaya nong una akong dumating rito! Hindi na utos roon, utos dito! As long as nagawa ko ang mga task na binigay nya sa akin! Tapos yong lalaking yon? Sinira ang tahimik kong buhay. "Nobyo mo ba yong anak ni Mayor Blyn?" Tanong bigla ni Lola habang kumakain kami ng hapunan. I frowned. Anak ng! "Hindi po! Saan mo naman nasagap yan Lola!" Madiin kong sabi. "Aba eh! Sabi ng kumare ko, nag-aaral rin doon ang mga apo nila" Ani ni Lola. "Hindi kami non! Siraulo lang talaga ang mga tao roon kaya kung anu-ano ang mga pinagsasabi! Mag sabay lang ng lakad, may something na, nag-uusap lang, may something agad. Mga tanga lang" nakangiwi kong sabi. "Pero okay yong batang yon. Nasaksihan ko ang paglaki ng batang yon, talagang napakabait non at napakamaalaga" Halos maluwa ko ang kinakain ko dahil sa narinig kay Lola! Bakit ba ang good person ng lalaking yon sa mata ng mga tao!? Ang pangit pangit kaya ng ugali non! Nakakainis na nakakabwesit na nakakatangina yong lalaking yon! Pero sa narinig ko mula kay Lola? Parang hindi makabasag ng pinggan yong tokmol na yon! Sos! Pretender! "Hindi ko type yon Lola! Never" pagtatapos ko sa usapan namin. Nakakasukang marinig ang pangalan at mga praises tungkol sa lalaking tokmol na yon! Kahit dito man lang sa bahay! Peaceful ang buhay ko! Hindi ko maririnig ang pangalan nya. Pagkatapos naming kumain, syempre, ako ang nagligpit ng pinagkainan namin at naghugas dahil kung hindi ko gagawin!? Magiging armalite na naman si Lola. "Blyn!" Tawag sa akin mula sa living area. "Sandali lang la! Malapit na akong matapos!" Sigaw ko rin pabalik. "Aba! Hali ka rito! Tumatawag Kuya mo!" Sigaw ni Lola.My eyes widen when I heard 'kuya' Dali-dali kong hinugasan ang kamay ko at nagtutumakbo na parang bata patungog living area. "Naghuhugas kasi ang kapatid mo...Aba oo naman! Tumino-tino rin, kawaan ng dyos" "Lola!" Tawag ko nang narinig ang sinabi nya. "Oh! Kung makasigaw parang nasa kabilang bundok ako!" Sigaw rin ni Lola at nilahad ang phone sa akin. Napangiwi na lang ako at pinigilan ang sarili na sabihin sa kanya na 'nakasigaw ka rin naman' baka hindi ako makatulog dahil sa bibig ni Lola. "Kuya" masaya kong sabi. It's been a while since I talked to my family! Mommy never call me, daddy too, even ate! Siguro ang nasa isip ng mga yon kapag tumawag sila sa akin, magmamakaawa akong kunin na nila rito at hindi sila makakatanggi dahil mahal nila ako. [ You look happy, how are you? ] Bored nyang sabi. Parang hindi nag replay ang girlfriend nya kaya ako ang kinulit. "I'm okay...I'm still adjusting but I'm okay, unti-unti ng nasanay" I honestly said. [ Wow, this is new. I thought the moment mom will send you there, you will-] "Kuya don't provoke me! I am doing very very good here kahit mahirap!" Reklamo ko. Humahalakhak si Kuya. "Well, that's why I am sending you a money. Mom said that you're not allowed to use your cards and so, ipapadala ko na lang" Ani ni Kuya. My face light up! Oh my! "Talaga Kuya?" Mas nabubuhayan kong sabi [ Yup. I will send you the control number tomorrow and then...is 30 thousand is enough? ] "Whoa? Is that true Kuya?" Mangha kong sabi. I didn't spend my money lately dahil nagtitipid ako! 20,000 lang ang binigay ni mommy which is ilang buwan kong allowance! [ You change big time huh...] Manghang sabi ni Kuya. Muntik na akong umirap pero nong nakita ko na nakatingin si Lola, I just blink my eyes. Shutangina! "People change...salamat Kuya!" Sabi ko na lang. [ Whoa! This is really new! I should tell mommy ] Humahalakhak nyang sabi at biglang pinatay ang tawag. "Baliw" I mumbled at nakangiwing binigay kay Lola ang cellphone nya. "Ano sabi ng Kuya mo?" Tanong ni Lola. "Nangumusta lang Lola...dito na po ako la...I will continue washing plate" Ani ko. Hindi sinabi sa kanya na magpapadala si Kuya. "Matulog ka kaagad! Baka magpupuyat ka na naman sa kaka-cellphone mo" bilin ni Lola. "Opo la!" Tamad kong sabi. One thing that also changed me is...hindi na ako nakakapagpuyat dahil palagi akong tinitignan ni Lola sa kwarto! May isang gabi nga na nawiwili ako kakanood ng Korean drama, hindi ko namalayan ang oras! Tapos tinignan nya ako...ayon! Kinuha nya ang laptop ko at isang linggo kong hindi nagamit! Kaya simula non, hanggang 10:00pm lang ako at hindi ko namalayan nakasanayan ko na at hindi ko na kayang mag puyat dahil mahuhulog agad ang mata ko. Pagkatapos kong maghugas, katawan ko naman ang nilinisan ko at nag basa basa ng ilang minuto sa librong binili ko. Shutangina talaga! Napaka nostalgic sa feeling nong pumunta akong bookstore para bumili ng libro para makapag-aral ako ng mabuti! Na bwesit kasi ako sa nag r-report nong isang araw! Kulang ang nilagay nila sa visual nila kaya ayon! Wala akong nasagot sa quizz! Kaya bumili talaga ako ng libro. I can't picture myself to be a good student or at least not to spend so much money for my academic! Hindi ko talaga na predict na dadating ako sa puntong s-seryosohin ko ang pag-aaral ko! "Luh? Paano mo na perfect yong quizz na yon? Next chapter pa yon ah?" Manghang sabi ni Criza. I just shrug. Ang feeling close talaga ng babaeng to! Hindi ko nga pinapansin o di kaya hindi ako nakikipag usap pero ang gaga! Dikit ng dikit sa akin! Tuloy! Lahat ng nangyayari rito sa campus! Updated ako dahil sa bibig ng babaeng to. "Humble talaga! Basta may De Lara no? Perfect talaga! Sa gwapo ba naman non! Jusko baka pati second year topic aaralin ko kapag naging boyfriend ko yon" she dreamily said. Napataas tuloy ang kilay ko! Psh! Yong Joshua ang dahilan? Kapal naman ng mukha nong lalaking yon! "Gaga" React ko. Her eyes twinkle, para bang may na achieve sya na kung ano! "Whoa! Marunong ka pa lang magsalita? Grabe! Ako? Hindi ko kayang hindi magsalita pero ikaw?" I sigh. Here she is again! Kahit hindi kinakausap, daldal ng daldal. "Siguro dyan na inlove sayo si-" "Shut up!" Madiin kong sabi sa kanya at umalis sa upuan! Nakakasira ng araw! Ang ganda ng mood ko dahil na perfect ko yong quizz tapos yan ang eh bubungad nya sa akin!? Nakakainis! "Blyn! Saan ka pupunta!? Kakain ka ba sa labas? Sama ako! Gutom na rin ako!" Sigaw nya talaga.I sigh heavily! Jusko! Bakit hindi marunong makiramdam tong babaeng to! "Sa bahay ako" tamad kong sabi. Lumaylay ang balikat nya, dismayado sa sa sagot ko! I shook my head and continue walking! Bahala sya dyan! Kunting kunti na lang ang pasensya ko sa babaeng yon dahil palaging binabangit yong Joshua na yon! Akala nya nakakatuwa?... Hindi! Nakakabwesit! Dahil gusto kong lumayo sa babaeng yon, umuwi talaga ako! Mamaya pa namang 10:00 ang class ko at 8:00am pa lang naman! "Lola nandito na po ako-..." natigilan ako nang walang Lola na nadatnan sa living area. Baka nakichismiss na naman yon sa mga amegas nya! Napakachismosa non eh! Psh! Papaakyat na sana ako patungo sa kwarto nang may lumabas mula sa sa kusina. Nag dalawang tingin pa ako dahil akala ko namalikmata lang or ano! "Mom?" Hindi makapaniwala kong sabi. Mommy smile at nilahad and braso nya. My eyes widen in fraction at agad tumakbo patungo kay Mommy at yumakap. Oh my God! My mommy is here! Hindi ako mommy's girl pero matagal-tagal kong hindi nakita si mommy! Nakakamiss rin ang mga talak nya, mga lambing nya at kung anu-ano pa! "Wait. Wait." Ani ni mommy kaya kumalas ako ng papakayakap. "Why mom?" Taka kong sabi. Nanliit ang mata nya sa akin, parang binabasa ako kaya taka ko rin syang tinignan. "Ma. What's happening to my daughter?" Tanong ni mommy kay Lola.Kumunot tuloy ang noo ko sa inasta ni mommy! Ano bang nangyayari sa akin? Why mommy is asking that way? May nagbago ba sa akin? Sa tingin ko naman, wala! I just avoid to make mistake para makauwi agad ako amin dahil ginagawa akong katulong ni Lola rito! She indeed made me do something that I can not imagine that I would do! But may araw din na nagpapasalamat ako na natutunan ko ang paglilinis, pagsasaing, pagluluto ng pagkain at kung anu-ano pa! Pero mas lamang talaga na bwesit ako! Mommy asked a lot of questions to Lola! Lalo pa nong umalis ako para sa next subject ko, nag mano ako kay Lola, even mommy at nagpaalam ng matino! At nag comute lang! Kaya mas lalong na shock si mommy. Hindi ko nga alam kung bakit shock na shock siya eh! Eh sya rin naman ang dahilan kung bakit ako nagpapakabait! Dapat expected na nya. "What are you doing here?" Malamig kong tanong kay Joshua, nakatambay sa hagdan ng department namin. "Your Lola said to look for you," walang kwenta nyang sagot. "Ah ganon?" Sarcastic kong sabi. "Where art thou?" He asked again. I raise my brow. "Why would I tell you?" Mataray kong sabi. He look at me intently. Hindi na nagsalita mukhang na realize na hindi ako magpapatalo! Hah! Asa sya! Tarayan o pagtawanan lang ako ng lahat! Huwag lang itong lalaking to! Madagdagan na naman ang kayabangan nito sa katawan! Napangiwi ako at nagsimula na lang mag lakad dahil wala talaga syang kwentang tao! Anong pakialam nya sa akin? Inutusan daw sya ni Lola! Reasons nya bulok! Alam ko namang walang tiwala si Lola sa akin kaya ituring akong parang bata! But the thing is! Bakit ang lalaki na to ang inutusan nya!? "Always remember. I am watching you" bigla nyang sabi na nagpatigil sa paghakbang ko at nilingon sya na nakatingin pala sa akin ng malamig. Malamig ko rin syang tinignan! Akala nya threatened ako? Hah! Asa! Mukha nya! Tangina nya! Shuta! "Watch me then" baliwala kong sabi at pumasok sa classroom. Iniwan ang tokmol na yon. May 'I'm watching you! I'm watching you' pa syang nalalaman! Psh! Pakialam ko! Maganda naman ako! Hah! Kayabangan non! "Oh my God! Confirm! Ang ating Blyn talaga ang hinintay ng isang Ian Joshua De Lara!" Patiling sabi ng bakla kong kaklase. I sigh. Heto na naman sila! Mag c-conclude ng kung anu-ano! Hindi nila alam! Pumunta lang yon dito para takutin ako! Hah! Kapal ng mukha! Sino sya para sundin ko? Kapal kapal talaga kung makaganon sa akin! Parang sya ang nagpakain sa akin. Bata ba ang tingin nya sa akin? Baby face lang ako pero mature na ako! Psh. "Dapat happy ka Blyn dahil dinalaw ka ng iyong baby! Shocks! Ang gwapo, ang gentlemen tapos ang effort pa! Naghintay talaga ng ilang oras dyan sa labas!" Ani ni Criza. Kinikilig pa ang gaga! Anong paki ko? Kahit isang taon pa syang maghintay, wala akong pakialam! "Luh? Mukhang bad mood ang ating Blyn! LQ yarn?" "Ganyan talaga ang mga boys! Pag may kasalanan! May pa ganyan ganyan pero pag wala? Ayon! Lumalabas ang tunay na kulay!" "Kaysa naman kayong mga girls! Palaging tama! Napaka overthinker!" "Kasi kayong mga boys! Mga babaero! Kahit ang pangit ng ugali, kahit kung sino-sino na ang gumamit sa babae! basta maganda lang, maputi, malaki ang hinaharap, sexy! ayon! Magloloko agad! Tangina nyo!" Napailing na lang ako at tamad na tamad na umupo sa upuan ko. Ang ingay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD