00001

2063 Words
Everything is not in the right places! Akala ko! Joke lang yon ni mommy! Na nasabi nya lang na ipapadala nya ako sa probensya dahil galit na galit sya sa akin! Hindi ko akalain na totohanin nya pala! "Mom! Ang liit liit lang naman ng kasalanan ko...No! No! Hindi ko pala kasalanan yon! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil kung anu-anong pinagsasabi nila sa akin! Mommy!" Pigil ko sa kanya na tinutulak ang maleta ko papalabas. "My decision is final! Kung yang pagkasangkot mo lang sa away ang ginawa mong mali sa buhay, palalagpasin ko pero ang rami! Kaya doon ka sa Lola at Lolo mo" walang awang sabi ni Mommy. "Mom! Alam mo namang ang init-init ng dugo ni Lola sa akin!...Kunin mo yong credit card ko, yong kotse, yong mga gadgets okay lang huwag lang doon mom!" Pagmamakaawa ko at humarang sa pinto para hindi makalabas ang mga gamit ko. "No! Ilang taon ka na Blyn at ang immature mo pa rin, ang tigas pa rin ng ulo and according to your Dean wala ka pang galang kaya doon ka sa Lola at Lolo mo! They raise me so well and made me a better person, they will help you" she encourge. "Mom, I swear babagohin ko sarili ko, hindi na ako pasaway, I will change, mom!... Mom!" Sigaw ko nang tuluyan nya na akong pinatabi at nilabas ang mga gamit ko. "Shut up Blyn, this is for your own good and provinces is not what you think, it's peaceful there and so relaxing, I'm sure mag e-enjoy ka doon" sahi ni mommy. "Mas mag e-enjoy ako dito mom-" "And that's the reason why ipapadala kita roon" Napapadyak na lang ako sa inis dahil kahit anong sasabihin ko, hindi pa rin nya ako pakikinggan! I keep following mommy at kung may pagkakataon, pipigilan ko syang ilabas ang mga gamit ko pero sa huli ako pa rin! Ako pa rin ang talo dahil wala eh! Wala akong magagawa pag masama na ang tingin nya sa akin. "Oh? So this is the day?" Biglang sulpot ni daddy na may dala pang coffee. "Daddy! Tulungan mo ako!" Pagmakakaawa ko at lumambitin sa braso nya. "Oh no, Blyn, wala na tayong magagawa, this is your mom's decision." Malumanay pang sabi ni daddy. "Dad! Don't you love me? Papaalisin mo talaga ako sa bahay? Hindi mo ba ako ma m-miss? Daddy! Help me!" Naiiyak kong sabi. "Albert, I warning you!" Banta ni mommy nang nakitang naawa na si daddy sa akin. Mas pinalungkot ko pa ang mukha ko! He's my last card para hindi ako matuloy doon sa probensya! He's the head of the family! Kapag nagsalita na sya wala ng magagawa si mommy! "Don't worry Blyn, dadalawin ka namin ng mommy mo every now and then doon! Okay?" malambing na sabi ni Daddy. Para namang gumuho ang mundo ko sa narinig at napabitaw kay daddy. "Come here Blyn! Mahaba pa ang byahe mo!" Tawag ni mommy. Lugmok akong lumabas ng bahay dahil wala na talaga! Pupunta na talaga ako sa lugar na yon! Tangina lang! Parang na office lang eh! Hindi naman ako ang dahilan kung bakit ako napa-away! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko! Grabe naman sila kung makapag parusa sa akin! Parang nakapatay ako ng tao! Kina Lola at Lolo talaga? Tapos probensya pa? "Mom! Please" I beg for one last time. "I know Blyn, this decision of mine, you'll see soon that this is for your own good" sabi ni Mommy, binaliwala ang pagmamakaawa ko. "Mom this is not for my own good!" Naiiyak kong sabi. Mommy smile and kiss my forehead. "Yeah then be good there, walang away, hindi matigas ang ulo sa Lola at Lolo, hindi ma o-office, maayos ang grades, walang absent then makakabalik ka dito...Plus! You can do whatever you want, hindi na kita pipigilan" nakangiti pang sabi ni Mommy. Malakas akong bumuntong hininga. Tangina lang! Anong klaseng kondisyon yan! Hindi ko yan kayang gawin! Pero kapag yan lang ang way para maka balik ako dito! Fine! Magpapakabait ako! Susunod ako sa rules and regulation nina Lola, Lolo at schools! Hindi ako papatol kahit kung anu-anong pa ang sasabihin sa akin! At Magsisipag ako ng pag-aaral! Tangina! Malaking Goodluck sa akin kung magagawa ko ba yan! Wala ako sa mood buong byahe! Hindi rin ako inaantok dahil ang isip ko kung saan saan umabot! Ang daming what ifs! Ang layo pa ng narating to the point naisip ko na tumalon na lang dito sa eroplano! Puro buntong hininga ang nagawa ko! Gustuhin ko mang hindi sundin si Mommy at mag stay na lang sa Manila without them knowing pero wala naman akong pera! 10,000 lang meron ako! Allowance for four months! Four months! Tangina lang! Kailangan kong tipirin sarili ko or else! Magugutom ako! Ang kuripot pa naman ng Lola at Lolo ko! Pagkalabas ng eroplano, sinondo kaagad ako ng sidecar! Side car! Tangina! Hindi ko pa kilala ang driver! Inarkila lang daw nina Lolo! Tangina! "Welcome po sa Sta. Cruz Dapitan City ma'am!" Galak na sabi ng driver. Napairap na lang ako dahil tangina! Walang set belt ang side car! Hindi pa concrete ang daan! Gago! Para akong mahuhulog anytime! Buong byahe patungo sa bahay nina Lola at Lolo is a disaster to me! This is the first time na sumakay ako sa ganitong sasakyan! Putangina! This is one of the reasons why kung bakit ayokong pumunta rito! Gago! First day pa ko pa lang ah! Tangina! Kung anu-ano na ang nangyayari sa akin! Stress na stress ako nang dumating ako sa bahay nina Lola at Lolo na parang hunted house! Hindi man lang pina renovate ang bahay! Ang laki-laki nga pero puro kahoy! Yong panahon pa ng hapon ang style ng bahay! Ang jejemon! Ang dami-dami nilang pera! Hindi man lang naisipang gawing semento! "Aba! Mag mano ka naman" masungit na sabi ni Lola na naghihintay sa hamba ng pinto. Tinignan ko lang kasi sya dahil tangina! Wala pa rin pinagbago ang mukha nya! Maldita pa rin at parang ang bigat bigat ng pisngi. Nakangiwi akong lumapit sa kanya at nagmano! Duh! Beso na ngayon! Hindi na mano! Ang sarap sabihin pero wag na lang! Susundin ko na lang baka dito na ako tumanda sa lugar na to! Kailangan magpakabait! "Nice to see you again, lola" "Balita ko, nagpasaway ka raw sa inyo?" Strikta nyang sabi. "Hindi ah-" "Opo! Po! Hindi marunong gumamit?" Putol nya sa akin. "Hindi po" "Sinungaling! Hala, mag-ayos ka na ng gamit mo at pumunta kang paaralan, mag enroll ka roon" "Po? Bukas na lang po, kakarating ko lang!" "Abat nagrereklamo pa! Paano ka mag e-enrol bukas e lingo? Hala sige! Huwag tamad! Pumunta ka ngayon sa skwela, tumawag na ako doon!" Gusto ko na lang maiyak dahil ang sarap sarap humilata sa kama ngayon dahil ang haba ng byahe ko! Hindi pa nakatulong yong sidecar na sinakyan ko kanina! Para akong binugbog! Pinagdadala ko na lang ang mga gamit ko sa kwarto at dinampot lang ang mga requirements ko at lumabas ulit. Tangina! Pagod ako! "La, hindi ko alam kung saan yong school rito-" "Papunta na rito ang anak ng kaibigan ng Lolo mo! Mabuti nga at nakiusapan! Hala mag hintay ka diyan!" Ani ni Lola at nakasigaw pa. "Okay" "Po!" Madiing sabi ni Lola. Napakamot na lang ako ng ulo. "Okay po!" Madiin kong sabi at umupo sa kahoy na upuan. Naghihintay kuno sa kung sinong sasama sa akin. Sana lang hindi sidecar ang sasakyan namin dahil tangina! Para akong binugbog nong sumakay ako kanina at naalog pa ang utak ko! "Alam mo ba kung bakit ka pinadala ng mommy mo rito?" Bigla nyang tanong. "Opo! Dahil na suspended ako dahil nakipag-away...pero hindi ako yong nauna ah! Pinagkalat kasi na kabit raw ako! Ayon, nag-init ang ulo ko" paliwanag ko talaga. "Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, init ng ulo ang pinapa-iral! Kayong mga kabataan talaga ngayon! Simpling-simple lang ang away pinapalaki" iling iling ma sabi ni Lola. "Eh kasi LA!" "Huwag ka ngang sumigaw!" Sigaw rin nya. I sigh.Patience Blyn para makauwi ka ng maaga sa Manila! "Ayon nga,hinanap ko eh sinalubong ako ng pagtataray! Kaya ayon naginit ang ulo ko nasampal ko" mahinahon kong sabi "Ayan! Yan kasing ugali mo na yan! Saan ka dinala ngayon? Hah? Masyado kasing spoiled brat kaya ayan!" Madiing sabi ni Lola. Napangiwi na lang ako. Edi wow! Ako na ang may kasalanan, ako na ang mali! Ako na lahat! Total ako naman ang masama sa mata ng lahat dahil sa ugali ko daw! Letche! "Ngayon nandito ka sa poder ko, aayosin natin yang ugali mo. Sabi pa naman ng mommy mo, hindi ka makakauwi doon kapag hindi ka magbabago" Ani ni Lola. Muntik na akong mapangisi buti na lang nasa isip ko na Lola ko sya. May respeto pa ako! Hah! Mababago nya ako? Good luck sa kanya! Big time! "Helen! Nandito na ako!" Boses ni Lolo. Agad naman akong napatayo. "Mag mano ka" utos ni Lola kaya wala akong magawa kung hindi mag mano. Wala eh! Kailangan talagang sumunod. "Oh? Nandito ka na pala iha. Kamusta ang byahe?" Tanong ni Lolo. Buti pa sya nagtanong ng ganyan pero si Lola? Ay iwan ko na lang. "Okay lang naman Lo-" "Po!" Putol ni Lola. I sigh secretly. "Okay lang naman po! Lo. Medyo nakakapagod pero okay lang" mahinahon kong sabi. "Mabuti. Nabanggit sa akin ng Lola mo na ngayong araw ka mag e-enroll, eh hindi kami makakasama kaya sinama ko na ang anak ng kompare ko, hindi na sumama sa loob dahil nagmamadali yong bata kaya gumayak na kayo" pagpapaalis ni Lolo sa akin. I nod at aalis na sana nang nagsalita si Lola. "Mag paalam ka Byln! At mag mano bago umalis!" She instructed. Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Patience Blyn! I did what Lola told. Magalang akong nagpaalam at nagmano sa kanila! Bago lumabas! Tangina! Mommy this is too much! "My goodness!" Mahina kong sabi at malakas na bumuntong hininga.I hope maka survive ako ng matagal rito! "Excuse-" "Putangina!" Gulat kong sabi at napatingin sa harap ko. A man in a motorcycle take off his helmet. Halos lumuwa ang mata ko nang nakitang ang gwapo-gwapo nya! Una kong nahalata ay ang mata nya na walang emosyon pero nakaka attract tignan dahil sa pilik mata nya at kilay nya! And here comes his pointed nose, his perfect shape lips tapos ang kinis kinis nya pa, plus his messy haircut! Hindi pa yan! He has a well-toned body! Halatang nag g-gym! Now! I guess may dahilan na ako na mag s-stay rito sa lugar na to. "What now? You're wasting my time! I have a lot of things to do" malamig nyang sabi na ang sarap sa pandinig dahil bagay na bagay sa boses nya. "Ah...Ughmmm...ikaw ba yong sinabi ni Lola?" Mahinhin kong sabi. Tangina! "Yup so better sumakay ka na" suplado nyang sabi. I pouted. "Sungit" Ani ko at masayang sumakay. This is not the first time na sumakay ako ng motorbike dahil minsan na akong nag joy ride noon! So I know how to ride this one. Masayang-masaya ako buong byahe patungo sa paaralan kung saan ako mag e-enroll. Buti na lang may nangyaring maganda sa akin ngayon! May mga ganitong nalalang pala rito! Bakit hindi agad ako na inform! Edi sana, hindi mabigat ang loob kong umalis kanina. Pagkarating namin sa isang school. Nakangiti pa rin akong bumaba. "You look like an idiot" aniya at pinaharorot bigla ang motorbike nya. My head tilted at nakangiti pa rin syang tinanaw pero nong nakita ko syang huminto sa di kalayuan at sumakay ang isang babaeng naka shorts at spaghetti strap lang! Napalabi na lang ako. Napawi ang lahat ng sayang nararamdaman. "Red flag. Auto pass!" I mumbled. Mga lalaki talaga sa mundo pare-pareho lang! Kaya ako? I should stick to my motto! No boys cause I'm tired with them! Psh. "Saan yong deans office dito?" Maarte kong tanong. "Excuse me?" Tumikhim ako. "I mean, nasaan po yong deans office nyo? Mag e-enrol kasi ako" magalang kong tanong. I forgot na kailangan ko palang magpakabait! Letche! "Dumiritso ka lang tapos kumanan and then pangatlong door, yon na yon" aniya. I nod at aalis na sana nang may nakalimutan. "Thank you!" Plastic kong sabi. Putangina! Nakakaasiwa! Shuta! Hindi ako to! Hindi ko behavior to! Hindi ganito! Lord! Take me now!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD