"WHO'S Jude, Isla Jade?" pag-uulit niya ng kanyang tanong nang hindi agad ako nakasagot. Natauhan ako sa muli niyang pagsasalita. "N-None of your business, Atlas. Give me back my phone! Bakit mo ba inaagaw phone ko?" pagalit kong sigaw sa kanya at pilit na inaagaw ang phone ko na itinaas na niya pa sa ere. Parang nangyari na ang eksena na 'to dati, pero hindi ko matandaan kung kailan at kung saan. "Ohh, I remember him," pagkuwan ay sabi niya. "Ha?" "I knew him, Isla Jade. Siya ang manliligaw mo!" sabi niya. "What? How did you know him?" pagulat kong tanong dahil hindi ko matandaan kung nabanggit ko ba sa kanya ang pangalan ni Jude nang magtanong siya sa akin tungkol sa manliligaw ko. He grinned. Pero ang madilim niyang mukha ay nandoon pa rin. "Sinabi mo sa akin," simple niyang

