DUMATING na ang pagkain para sa aming dalawa. Kanin iyon at fried chicken naman ang ulam. Kung ganito talaga karami ang pagkain ko baka manaba ako nito. Syempre ayoko namang maging mataba. Okay na 'yong may laman ng kaunti. "Kumain muna tayo. Mamaya pupunta tayo sa banyo nila rito para maglinis ng katawan," sabi niya. Nagsimula kaming kumain na dalawa. Tahimik lang ako habang kumakain. Hindi rin ako nag-abalang tingnan siya kaya ramdam ko ang panaka-naka niyang pagtingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at inubos ko ang aking kinakain. Busog na busog kaming dalawa kaya nagpahinga lang kami sandali. Matapos ang ilang minutong pagpapahinga, sabay kming nagtungo sa banyo na sinasabi niya. Bitbit ko ang towel at damit na binigay niya sa akin. Puro damit niya ito, plain t-

