PAUL POV Tinapos muna namin ang pagkain bago kami mag usap usap ulit. "Dala ko na lahat ng mga titulo ng mga ariarian mo Mr. Thomas just like you requested. And I believe, as we have discussed over the phone, ngayong araw mo na rin ipapamigay ang mga ariarian mo sa mga anak mo. Is that correct?" Grabe! Ang kapat ng mga titulo ng lupa ni papa! Parang kasing kapal nga ito ng libro sa school. At hindi ko ma imagine kung gaano kalaki ang halaga ng bawat isa nito. Sa haciendang ito pa lang, siguradong bilyon na ang halaga. Kinuha ni Mr. Clarkson ang isa sa mga titulo at binigay ito kay papa. Matapos niyang tingnan ito, hihilahin na sana niya ito papunta sa akin ng bigla itong kuhain ni tita Helen bago pa man gumalaw ang mga kamay ko. "Hold on a second... parang ang bilis naman yata ng m

