PAUL POV Sunday morning, 8 am, tuluyan nang binawian ng buhay si Papa. Ang sabi sa amin ng doctor, hindi na raw talaga kinaya ng katawan ni papa ang kanyang mga sakit. Halos natutulala ako sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang lahat sa ganito. Nagkasundo kaming lahat na sa hacienda ililibing si papa at ito ang unang araw ng kanyang burol. Dati ang buong akala ko ay tatagal pa ang pagsasama naming dalawa pero ngayon iniwan niya na akong mag isa. Wala na akong kakampi sa hacienda at hindi ko alam kung kakayanin kong mag isang lumaban sa tatlong mag iina na sobra na ang kasakiman. At ngayon, nasa harapan ako ng kanyang ataul. Lumalabo ang paningin ko dahil sa luhang pumapatak sa aking mga mata. Pilitin ko man subalit hindi ko mapigilan ang pag agos nito. Para itong is

