PAUL POV 11:30 am pa lang nang umaga ngayon. Kakatapos lang naming kumain ni Lily dahil 10:30 na siya ng umaga naging. Ayaw ko munang lumapit sa kanya dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko dapat siya binigla nang ganun. Napaisip tuloy akong bigla. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Halos takot na takot siya sa akin. Baka talagang wala siyang naging asawa at labis siyang na trauma kapag ginagalaw siya. Baka sinadya nilang mawalang siya mg memorya at itapon kaysa sa patayin. Masyado nang nagiging komplikado ang sitwasyon ngayon. Kung di lang dahil sa mana, hinding hindi ako magpapakasal sa kanya. Subalit nandito na kami sa isang komplikadong sitwasyon. Hanggat di bumabalik ang memories niya, mananatili ang kasinungalingan ko. "Akala ko ba pupunta tayo sa ilog?" tanong ni Lily mula sa liku

