PAUL POV Nagtataka ako sa ikinikilos bigla ni Lily. Para talaga siyang nakakita ng multo. Titig na titig siya sa labas kaya sinundan ko ang kanyang tingin. Nakita ko ang isang gwapong lalaki na may mayabang na hitsura. Pero may kasama siyang isang babae at nagkukuwentuhan silang dalawa. Muli akong napatingin kay Lily. Mukhang mali ang desisyon no na wag sabihin sa kanya ang totoo. "Akit na akit ka yata sa lalaking nakikita mo ha?" sambit ko sa kanya, pero dahil sa wala naman akong feelings sa babaeng ito, hindi naman ako nakakaramdam ng selos. Bagkus, baka kailangan na ito na lamang ang gawin kong paraan para mawala na siya sa landas ko at ang baby niya. Gusto ko na kasing mag asawa ng totoong babae na mahal na mahal ko at hindi kung sino sino lang na napulot ko sa daan. Panahon na

