PAUL POV Habang on the way kaming dalawa ni Lily sa baguio sakay ng bus, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mag alala dahil sa mag isa na lamang siya ngayon kasama ang napakaraming kontrabida sa buhay niya. Napatingin ako kay Lily na mahimbing na natutulog sa bisig ko. Inosenteng inosente ang hitsura niya. Naalala ko na naman tuloy ang sinumbong niya sa akin noong nakaraang araw. Muntikan nang maudlot ang kasal namin dahil kay Helen. Pero sabagay, siguro kung nawala ang babaeng ito na nagpapanggap na Lily sa buhay ko, natitiyak ko na makakahanap pa naman ako ng iba. Hindi ko naman baby ang nasa sinapupunan niya kaya magiging pabor rin sa akin ang sitwasyon. At least sa susunod, ibang babae naman ang pipiliin ko at titiyakin ko na mahal namin ang isa't isa. Pero nandito na kasi

