NARA Ibinaba ko ang TAJSO medalyon sa ibabaw ng mesa ni Mr. X. Katatapos ko lang sabihin na aalis na ako sa TAJSO. Mas pinili ko kasi na maging asawa at ina sa aking pamilya. Hindi ako pinilit ni Kendric na piliin sila. Kusa akong nagdesisyon na umalis na sa TAJSO. Alam ko marami na rin akong nagawa sa organization. At isa pa, gusto kong pagtuunan ng maraming oras ang aking asawa at mga anak ko. “Mr. X, salamat po sa pagtangap mo sa akin bilang agent ng TAJSO. I will be forever grateful dahil marami akong nagawa at natutunan sa organization na babaunin ko kahit saan man ako magpunta. Kahit hindi na ako bahagi ng organization kagaya ni Riya at Keyla. Gaya nila ay mananatili pa rin akong TAJSO agents habang buhay.” Pahayag ko sa kanya. Napabuntong hininga siya bago niya kinuha ang medalyo

