NARA Isang linggo na ang nakalipas nang maging okay na ulit kami ni Kendric. Sa kuwarto na rin niya ako pinapatulog at para na ulit kaming mag-asawa. Mas maalaga at mas malambing pa siya sa akin sa ngayon. Mas marami din siyang oras para sa amin. Ang sarap pala sa pakiramdam na wala kang nararamdamang mabigat sa dibdib. Ang sarap pala sa pakiramdam ang magpatawad. Ang gusto ko na lamang ngayon ay kalimutan ang lahat ng nangyari at magpatuloy kami sa buhay. Sa ngayon ay nagce-celebrate kami dahil birthday ng kambal. Ininvite ko din sila mom at dad pati na rin ang mga kapatid ko. Nasa taas si Kendric at dad dahil may pag-uusapan daw silang mahalaga. Hindi ko alam kung ano yun pero pakiramdam ko tungkol yun sa relasyon namin ni Kendric. “Ang gaganda pala ng kambal.” Nakangiting sabi ni K

