Malaya
Nakatulog ako sa sofa.
Nagising lang ako kasi naamoy ko nagluluto si Clei bacon and eggs.
Bumalik ako sa kwarto ko at nagsimula na mag gayak.
"tinatamad ako pumasok" rinig kong sabi ni Jass. Nakadiscord parin kami. Ang yes, kada kwarto may sariling wifi. Kami parin naman nagbabayad non pero less parin syempre.
Kumain na kami tapos lumabas na.
Maingay, magulo, crowded ang hallway. Araw araw naman
"napakasama ko ba kung sasabihin kong Buti nangyari kay Del Carmen yon kundi bagot na bagot tayo sa buhay natin ngayon?" tanong ni Clei
"gago oo napakasama mo." sabi ko
"dapat, buti may ibang nangyari sa mga buhay natin ngayon kahit na masakit para sa ibang tao." habol ko
Napangiti kaming tatlo.
Kasi naman 7am na naman klase tangina.
Pagbaba sa ground floor, kakababa lang din nung iba naming kaibigan.
Sabay sabay na kaming naglalakad papunta school Building.
" ayoko talaga pu--" napahinto si Jass nang may nakabangga kay Ayi.
Yun yong babae na iwas biglang nagmadali nung nakita kami sa Club Building.
Kumaripas na naman sya ng takbo nang hindi nagsorry manlang or yumuko jusmiyo.
"problema non?" tanong ni Ayi habang tinulungan ni Sheenah tumayo.
"pabayaan nyo na baka kailangan maaga sakanila." sabi ni Shan
So nagdodorm sya...
Kung gr7 or 8 sya okay lang sakin kung ganon magiging reaction nila pag nakita kami. (student council members nga kasi di ba? Iisipin pa nila na baka awayin namin sila T.T) e nagdodorm sya, nataon pa na Thursday ngayon di ko alam anong grade sya tas nung nakita ko sya sa club building nagbihis na sya ng pantaas e sa pantaas lang malalaman kung shs or jhs kasi magkaiba kulay pero ganon parin sa skirt.
*-*-*-*-*-*
A/N:
Try ko idrawing yung uniforms gais pag may time na me. Wala kasi akong saeiling ipad kaya di makapag drawing hehe.
Sorry din napakadaming explanations ng story, alam kong nakakabagot pero kasi last tym na gumawa ako story madaming nagalit kasi nga magulo huhu
*-*-*-*-*-*-*-*-*
Sex Educ ang last subject namin and I was planning on going to the library after class.
Habang nagdidiscuss teacher namin ng additional infos tungkol sa nature ng Male organ, nagvibrate phone ko.
Allowed kami magcheck ng phone pag may class basta tataas mo lang kamay mo habang nakacross ang fingers tas antayin mo umagree teacher mo.
Pagkaagree ni maam binuksan ko na phone ko tapos nakita ko si Tito nag text.
From: tito Rolly
Nak, ngyon gus2 q na tgnan nio mga uniform ng lht ng estdynte jan sa skul nio,,,d q pa alm kng klan aq mkakapnta jan.
To: tito Rolly
Sige po. Ingat po.
Friday bukas and sure yon magsisimula na maglaba mga estudyante kasi half day kami every Friday.
Like puro physical activities and onting discussions lang.
"now, what is the difference between ejaculation and m**********n?"
"does anyone know the answer?"
Sobrang awkward kasi ng klaseng to, pero syempre kailangan yung gantong subject para saatin na rin.
"Ms. Fujikawa?"
Putangina
"yes sir?" tanong ko
"what is the difference between ejaculation and m**********n?" pag uulit nya sa tanong.
Wala namang nakakahiya sa subject na to pero ang awkward talaga. Lamo yon, yung may malaking pic ng tite sa harap nyo okaya p**e jusme
"ah Sir, I believe, m**********n is touching yourself for s****l pleasure while ejaculation is when someone reached their limit with the help of someone." sagot ko
Nagtawanan sila Gheline tsaka yung friends nya don sa harap.
"Ms. Lopez and company, do you guys have something in mind?" tanong ni Sir kina Gheline.
Natahimik sila Gheline
Ako naman nahiya.
"psst" tawag ko kay Clei
"may mali ba sa sagot ko?" bulong ko.
Umiling sya
"walang mali sa sagot ni Fujikawa and you're laughing. I believe you have something in mind and I'm requesting you to share it in class." sabi ni Sir
Tong teacher na to, unang trabaho nya to pero magaling magturo. May mga haka na m******s sya pero para sakin hindi kasi nga s*x Educ ang tinuturo. Nagmumukha lang m******s kasi nga maraming alam sa ano ng mga tao.
"Ms. Lopez, please share your thoughts with the whole class. You too Ms. Santos and Ms. Ambrocio." sabi ni Sir
"If you don't speak up, I won't record your exams next week. Please share your thoughts, it might give extra information about our topic" sabi nya
"sir wala po." sabi ni Rica (Ambrocio)
"oh? Then why are you laughing?" tanong ni Sir.
Natahimik sila.
"next time I hear someone laughing in thua subject, the whole class will automatically fail my subject." sabi ni Sir.
Nagulat si Gheline sa sinabi ni sir, nakikita ko yon mula sa pwesto ko kasi apat na row lang agwat namin tapos padiagonal pa kaya kitang kita.
_________________
Class ended and tumayo na ako sa upuan tas kinuha na bag ko.
" lodibabes do you have plans?" tanong ni Joaquin
"wala. Punta lang ako sa library magbabasa." sabi ko
"sama ako hehe." sabi nya
"baka may gagawin kayo?" tanong ko
"wala naman, mag gogrocery sila e." sabi nya
"kami din mama maggrocery na ni Mara kakamessage lang sa gc." sabi ni Clei
Binuksan ko phone ko tas binuksan gc namen. Nag aya nga si Mara mag grocery
Every Thursday talaga pinakamagandang araw na mag grocery (base sa observations ko) kasi onti lang mga nag gogrocery. Usually Friday hanggang Monday sila nag gogrocery tas masyadong obvious nag grocery ng Tuesdays and Wednesdays masyadong halata na umiiwas ka sa tao.
"pag may gagawin ka oks lang." sabi ni Clei
"magbabasa lang ako. Kailangan nyo ba tulong?" sabi ko
"de di na HAHAHA may papabili ka?" tanong nya
"usual needs ko lang mami." sabi ko
Alam na nya yon.
Gatas, sabon, shampoo, conditioner, tas chips HAHAHAHA
Yung iba naman kasi yon na mga needs namin sa kwarto mismo kaya alam na nila yon.
"lets go?" aya ni Joaquin
Sabay kami lumakad kasama sila kasi iisa lang Direction ng Library tsaka Hypermarket
Pagdating sa Library, kumuha muna ko limang bote ng gatas tas pinasok sa loob.
Si Joaquin kumuha ng water tsaka coke.
And as I said, yung plastics dito ay recyclable lahat. Kaya tong mga bote na to may sariling basurahan syempre tapos irerecycle ng school.
Ang alam ko binebenta yon sa pagawaan ng mga plastic goods such as tumblers or tupperwares tas sila na bahala don.
"wachugoin to ready baby?" bulong na tanong nya.
"bat ka bumubulong?" natatawang tanong ko
"e library to bawal maingay" bulong ulit nya
"di naman kailangang ganyang bulong HAHAHAHA" sabi ko
Umakyat na kami sa 2nd floor kasi nga puro entertainment dito. Sa baba puro tungkol sa Education.
Kumuha ko ng limang mystery books tas ginaya ako ni Joaquin pero isa lang kinuha nya.
Naupo kami sa vacant table tas nagbasa na ko.
"psst baby" bulong tawag ni Joaquin
Tinaasan ko sya kilay na nag iindicate na tinatanong ko baket
"allowed ba manghiram ng libro kahit di mo pangalan ilalagay mo?" tanong nya na oa parin pagkakabulong
"ha? Baket?" mahinang tanong ko
"may nanghiram kasi IGN ata tong nilagay nya." bulong nya habang hinaharap sakin yung anim na log card
IGN yun yung In Game Name. Bale username mo sa laro.
"ano? Patingin!" sabi ko
Pinakita nya sakin log cards yun yong kasama ng mga libro bale may pocket sya sa loob ng book cover tas may card don. Lalagay mo don pangalan mo tas date ng hiram tas ganon din sa library card mo tas tatatakan ng librarian yung date na dapat mo sya ibalil, pag di mo agad naibalik sa araw na yon magbabayad ka 5pesos. Pag magbabalik ka, may parang window sa labas ng library ihuhulog mo lang don, pag hihiramin mo ulit yung libro papatatakan mo lang ulit sa librarian.
" alangang "K" lang pangalan nung nanghiram di ba?" tanong nya
" tapos hiniram nya pa lahat to lahat after nya ibalik yung isang libro. Bale eto yung nauna." turo ni Joaquin
Sa anim na libro na meron kami, andon yung mga 1 letter sa name part. May K, may L, may G, may A, may V, tsaka Y
Tas yung dates magkakasunod.
Nauna nilang kinuha yung "Magpie Murders" ni Anthony Horowitz. Sumunod yung "the name of the Rose" ni Umberto Eco. Tas after 3 days yung "Mr. Penumbra's 24 hour bookstore" by Robin Sloan. Sumunod don yung "Postern of Fate" by Agatha Cristie. Tas yung "The Valley of Fear" by Sir Arthur Conan Doyle. Tas last yung "the lost book of the Grail" ni Charlie Lovett na kahapon nya lang binalik.
"sobrang hilig nya sa Mysteries pati sarili nya ginawa nyang mystery." sabi ni Joaquin
"papertowns yan lab." sabi ko
"hehe ganda nung movie e." sabi nya
Nagtaas ako kamay para tawagin yung attendant sa library.
"Maam, is it okay to put codenames on the log Cards?" tanong ko
"ah anak hindi. Bakit?" tanong nya
"so are these people is really named in 1 letter only ?" tanong ni Joaquin tas pinakita yung card
"there are also 5 books with 1 letter written in the name part. Is these 1 letters their names or you guys aren't doing your Job well?" tanong nya.
Dito magaling si Joaquin. Sa pampepressure. Napakagaling nyang magpaamin thru words kasi nga nampepressure sya. E si Andrei intimidating yung mata kaya kahit tignan ka lang nya mapapaamin ka.
"anak, I'm sorry. Pero this is prohibited sa library law. Let me ask one of the librarians." sabi nya tas umalis
"nakakapressure ka kawawa si ate." sabi ko
Nag smirk lang sya tas nagtuloy sa pagbabasa, yon din ginawa ko.
"baka ikaw lang naglagay nung one letter na yon" sabi ko
"tarantado ka ba? Kita mong nagbabasa ako e." sabi nya
"e nagbabasa ka nga pano mo makikita?" sagot ko
"wala sa pocket e, nahulog mula sa mga page. Pati yung sayo nahulog lang kaya kinuha ko tas napansin ko yung K tapos chineck ko na rin yung iba sakto andon yung ibang single letter lang" paliwanag nya
"ah. Oo o Hindi lang kasi hinihingi kong sagot." sabi ko
Bumagsak yung mukha nya tas natawa ko
"haha ang pogi mo."
"magbasa ka na nga!" sabi nya
Nagbasa na kami tas maya maya bumalik na yung attendant. After 3 chapters siguro.
Or mabilis lang ako magbasa.
"sadly, walang K or yung ibang letters na lumabas sa records namin na nagpagawa ng library card. Possible na code name to." paliwanag nya
"bakit di nyo napansin na K lang ang nilagay nya?" tanong ni Joaquin
Natahimik yung attendant.
Halatang di nyo ginagawa yung trabaho nyo nang maayos potangina
"ma'am, we're sorry for the trouble. But next time please make sure to check whatever the borrower is writing in these logs. Sayang naman po taas ng sweldo nyo kung hindi maayos ang trabaho. Wala naman na po kayong ibang gagawin kundi ayusin ang trabaho." sabi ng Boss mong si Joaquin
" excuse us" sabi nya tas tumayo. Tumayo na rin ako tas binuhat nya mga libro na hiniram namin.
Bumalik kami sa shelves kung san namin nakuha yung libro.
Dulo ang Mysteries, crimes, horror Kasi iilan lang ang interesado. Mabenta ang Mangas tsaka Love Stories, mga Pop Fiction ganon.
Bat ka pa bibili ng libro tsaka manga na pagkamahal mahal kung meron dito e no HAHAHA
De pero may nabibilhan dito kaso mahal. Mejo mababa compare sa tinda sa labas pero mahal parin. Iba parin kasi yung sarap pag di ka nanghihiram HAHA
Habang binabalik yung mga libro, nanigas katawan ko.
May dugo yung isang libro
Fresh pa yung dugo mukhang less than 1hr bago sya mapunta don.
"Why beb--" naputol sasabihin ni Joaquin nung makita yung tinitignan ko.
"may paper cut ka baby?" utal na tanong nya
Umiling ako, nanlalamig buong katawan ko
Dugo lang to pero bat ako nagkakaganto
"baka may napaper cut lang hehe." utal na sabi nya.
Tinawag nya yung isa pang attendant tas kinuha ng attendant yung libro.
Nanigas na naman katawan ko.
Ramdam kong may nakatingin samin.
Mukhang kanina pa nya kami pinapanood pero ngayon ko lang naramdaman presence nya.
Kinuha ko lahat ng lakas ko at lumingon sa likod namin ni Joaquin.
Walang tao, nawala na rin yung feeling na may nagmamasid samin.
Hinatak ko na si Joaquin palabas pero di ako nagpahalata baka nakatingin parin sya.
"easy baby, ang higpit ng kapit mo. naramdaman mo?" bulong nya.
Napatingin ako sakanya
"I feel uneasy habang nasa library. No, palabas palang ng school building." sabi nya
"parang may nanonood satin." sabi nya
Nanigas na naman katawan ko
Edi hindi ako praning
"babe we have to go." aya ko.
Maaga pa, mag 4 palang.
Tinawagan ko sila Clei kung asan sila sabi nila nag gogrocery pa. Sabi ko sabihan sila na doon muna sa unit namin matulog kahit ngayong gabi lang.
Yon din sabi ni Joaquin sa mga kaibigan nya.
From: Clei
You sound uneasy. WGO?
To: Clei
Let's hurry back to the unit. We'll explain everything.
Mejo maluwag luwag na loob ko nung dumami na tao sa paligid namin. Nadaan na kasi kami sa park tsaka dept store.
"simula palang nung may nangyaring pagbagsak sa rooftop ramdam ko na." nanigas ako sa sinabi ni Joaquin.
Napatingin ako.
"until now." habol nya.
Nanlaki mata ko, di ko na naman makontrol katawan ko. Humihigpit kapit ko sa braso ni Joaquin tapos nahihirapan akong tumapak.
"bat di mo sinabi kaagad?" utal na sabi ko.
"gusto kong maramdaman mo muna." sabi nya habang diretso tingin.
"marami sila." habol nya
Napatingin na naman ako.
"feeling ko sila responsible sa nangyari kay Del Carmen." sabi nya
"baby, malakas voice mo." bulong ko
"ramdam kong naramdaman mo yon nung bumaba tayo galing rooftop pero mukhang isa lang napansin mo." sabi nya
"that day, for me they were atleast 3. Nung araw na nahulog si Del Carmen mula sa roof top they were a lot pero hiwahiwalay sila ng grupo that day and hindi lahat ng kasala sa circle of friends nila ay aware sa ginagawa nila." paliwanag nya in a softer voice.
" pano? "tanong ko
"hindi sila officially isang group of friends. Mukhang secretly sila nag uusap or bihira." paliwanag nya.
"Kaya lagi kitang inaaya sa studio kasi don ka safe. That studio is my playground and I can control everything inside it" sabi nya
Why? May mangyayari ba sakin if di ako magpunta sa studio?
"Ayokong mawala ka sa paningin ko lalo na't may nangyayaring ganto." sabi nya.
"probably the safest place you can be is in you and your friends' unit, our student council office, your clubroom, and my studio." sabi nya
"classroom?" tanong ko
"yeah that's a safe place too." sabi nya
"baby ayokong ako lang safe. Pano kung wala naman silang pakay saken pero sainyo meron? Ano ako lang iingatan mo?" tanong ko
"if needed, yes. Protect them but I'll protect you." sabi nya
"pano pag ikaw pala pakay? I want to protect you." tanong ko
"we'll protect each other my dear." sabi nya tas inakbayan ako.
Naupo muna kami sa park, don sa malapit sa hypermarket.
Sinabihan na rin namin mga kaibigan namin na don kami kitain para sabay sabay kaming makabalik sa dorms.
Habang nag aantay sumandal ako sa balikat nya tas nagvibrate phone ko.
Si Mai nagtext
From: Mai
Ate ingat ka po palagi ah.
To: Mai
Ikaw din bebe. Mwa.
"may apat dito" sabi ni Joaquin
Nanlaki mata ko
"baby act natural. Baka mahalata nila na alam nating nakatingin sila." sabi nya
Sya kasi kaya nya tangina. Apat na araw nyang alam na may nanonood samin di pa sinabi kagad kasi di sya nagpapanic amputa.
Sapat na rason ba yon gago
"scroll through your sss and show me some memes hon, we have to lighten up the mood but don't let your guard down" sabi nya
Sinunod ko sya then nabura ng memes yung thoughts ko.
Although anjan pa yung though pero this time di na ko natatakot.
Like, I'm starting to maximize my body's sensitivity or consciousness.
I can literally feel there are people following us.
I can't tell who but I know they're following us.
"you're doing great." sabi sa notes sa phone ni Joaquin na pinakita nya sakin tas iniscroll nya yon pababa
"now, make yourself look like I've shown u something funny" sabi sa phone.
Ginawa ko, hinampas ko sya tas ngumiti.
Gumaan yung mood. I mean, nawala yung threat na may sumusunod saamin. Na hindi naman threat kasi may sumusunod talaga pero di na ganon kabigat yung feeling.
"they're Gone." sabi ni Joaquin
"alam kong naramdaman mo rin." habol nya
So pag mabigat yung feeling, andon sila. Pag gumaan, wala na.
"act like that always." habol nya ulet.
Tumango ako.
"I'm scared" bulong ko
_______________
5:30pm
Nasa unit na kami tapos inexplain yung nangyari sa library.
Magka vc ulit kami sa discord
"about sa blood...." sabi ko
"halata namang hindi papercut yon." sabi ni Joaquin
"e ano yon?" tanong ni Benjie
"Magkakapareho lang naman dugo ng tao pag nasugatan di ba?" tanong ni JJ
"I don't know. But what I know is, that ain't paper cut." sabi ko
"looks like that person literally wounded him/herself to warn us" sabi ko
"what? How?" tanong ni Alexis
"that person know something, I guess." sabi ko
"bat di nga tayo iapproach? Or yung teachers? Yung pulis?" tanong ni Shan
Syempre yan sasabihin nya, sya ba naman kapit sa mga teacher
Like you know, para sakanya teacher lagi ang sagot sa problema.
"first conclusion ko, kasali sya sa group na yon pero ayaw nyang malaman na nagbibigay sa clue." sabi ko
"and then, that person joined the group by force? Or that person is threaten." sabi ni Joaquin.
"korek." sabi ko
Funny how I'm giving conclusions knowing that I really became weak just a while ago
"pwede ring clumsy lang talaga sila." sabi ni Andrei na inagreehan ko din.
"bat di ko naramdaman yung sa may nanonood?!" iritang sabi ni Shan
"Clei?" tawag ko tapos napatingin kami kay Clei
"sobrang obvious nila." sabi nya.
Sya nga pinakasensitive samin.
Bale yung range ng sensitivity tsaka consciousness nya aabot 30 meters.
"mula pa nung nasa foodcourt tayo tas may tumawag kay Laya, ramdam kong meron don. Tapos nung nakita natin yung bangkay hanggang sa nagbigay tayo conclusions. Di ako nakapagpray nang maayos nung pinagpray tayo sa labas kasi merong nakatingin mula sa kaliwa ko. Meron din nung nagpunta tayo sa fire exit para sa bag pero wala sila sa fire exit tas nasa hallway lang. Ramdam ko rin na may nakasunod kanina habang naggogrocery kami."kwento nya
" e maraming tao sa hallway nung araw na pinuntahan natin yung bag di ba? Tapos ako tsaka si Nari nasa kaliwa mo nung nagpipray"sabi ni Andrei
"di naman literal na katabi kasi, nasa left side ko di ko lang alam kung nasa harap, likod, o kalinya natin" sabi ni Clei
*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N
Hiiiiii. Bukas na ulit yung kasunod hehehehehe.
Open ang comments for suggestions and criticisms!
God bless you all! Stay safe.
Edit: June 29 2:01am
Hi sorry umalis kasi ako nung 27 and I'm having mental breakdown ngayon so baka bukas na me mag ud. Thank you so much for supporting