(ERICKA DEL CARLOS’POINT OF VIEW) TININGNAN ko ang sarili ko sa harap ng salamin, nakita ko ang tiyan ko at parang tatlong buwan na ang laki nito. Bakit ganito naman kabilis lumaki ang tiyan ko?Hindi ko pa nga naa-absorb na may baby sa tummy ko tapos ang laki niya. Isa na siyang totoong creature. Hindi ko pa rin nasasabi kay Zenrick ang pagbabagong nangyayari sa akin. Natatakot ako, paano kung magalit siya at iwanan ako dahil doon? Akala ko kasi matatapos na ang lahat kapag naibigay ko ang gusto ni Azazel pero iba ang nangyari. Ito ang kapalit na gusto niya, ano na lang ang mararamdaman ni Zenrick? Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdaman kong gumalaw ito. Anak ng demonyo ang nasa tiyan ko at unti-unti ng nagtatagumpay si Azazel na sirain ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang kailanga

