Third person pov Para nang nababaliw si Adette sa pagkawala ni Hazel. Ang masayang pagsalubong sana sa pasko o kaarawan ni Jesus ay naging pagkataranta. Hindi niya alam kung saan siya hihingi ng tulong. Sina Renzo, Miriku at ang yaya ni Hazel ay labis na ang pagkataranta. Ang kanilang mga kapitbahay ay nagsilabasan na rin para makiusyoso sa pangyayari. “Nasaan ang anak ko? Bakit hinayaan kong matulog sa kwartong mag-isa. Diyos ko po ibalik niyo ang baby ko. Gutom na yon, kailangan na nun ng dede.”malakas na iyak ni Adette. “Apo tama na, huwag kang umiyak makikita mo rin ang anak mo. Manalig ka sa panginoon, iligtas niya ang anak mo.”pang-aalo ng matanda. Ngunit hindi kayang makinig ni Adette, mas lalo pa itong nagwawala. Unang naisip ni Adette si Jonin, naiisip niyang ito ang kumuha s

