42: In Love "Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Art nang mapansing hindi ito ang way pauwi. Pinanindigan niya talaga yung paghatid-sundo sa 'kin. Para tuloy akong bata. Okay na rin naman 'to para tipid sa gasolina. Besides, we're neighbors. Hindi niya ako sinagot kaya hindi nalang ako nagtanong pa. Gan'yan 'yan siya eh, 'pag ayaw sagutin o hindi alam ang isasagot, hindi magsasalita. Ayaw ko na rin namang pilitin. Pumasok kami sa isang village. Parang pamilyar ang lugar. At tama nga ako, nagpunta na kami dati rito. Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. If I'm not mistaken, it's Gamboa's. "Bakit tayo nandito?" I asked. He parked the car then unbuckled his seatbelt. Tinanggal ko na rin yung akin at sabay kaming bumaba. "Hi, Sir Art!" bati sa kaniya ng maid pagkarating palang na

