"Mah! mah! bakit anong ginagawa mo sa anak ko" "A--nak mali ang nakita mo aksidente lang yun, diko sinasadya kasi di siya nakikinig" "Mah kitang kita ng dalawang mata ko hinampas mo ang ulo ng anak ko mahh!!" "Danie anak maniwala ka sa akin diko sinadya" "Nanay" niyakap ako ng anak ko habang hawak niya ang kanyang ulo. "Anak okay ka lang ba, lagi ginagawa saiyo to ng lola mo" di umiimik ang aking anak basta nakayakap lang siya sa akin ng mahigpit. "Matagal mo na bang ginagawa ito mah sa anak ko" di siya nakasagot. "Mah matagal mo na ba tong ginagawa sa anak ko sumagot kayo paano niyo nagawa sa sarili niyong apo ang ganito bakit mah!!" napahagulgol ako gustong ko siyang sugurin sampalin saktan pero ang malas eh nanay ko siya kaya wala akong magawa. "Mah apo niyo siya anak niy

